Chapter 28:

296 15 10
                                    

" She's really serious huh?!" komento in Al ng may attendant na sumundo sa kanila ni Rhianie.

At nasa hitsura ng mga ito na bawal ang tumanggi at malalagot sila.

"Well, she's like that. She will get whomever she wants.  She is a spoiled Princess." nasa tinig nito ang pagka disgusto.

" If you don't want to attend. Dito na lang tayo. Let's enjoy the beach." Suhestiyon niya.

" She will not stop. Ayaw kong palabasin na naman niya akong masama. I will do anything for the sake of my mother. Bago pa lang nagkaka ayos ang parents ko." Sabi nito at nagpawala Ng malalim na buntung hininga.

" Okay, if this is what you want." kibit balikat na lang niyang pag sang ayon.

Sa kabuuan ng biyahe ay mataman lang niyang pinapakiramdaman si Rhianie. Pilit man nito itago pero ramdam niya ang pagiging balisa nito. Lalo na ng pumasok ang sasakyan sa isang magandang bahay bakasyunan na nasa tabing dagat.

" Welcome!" pagbaba pa lang nila ay sumalubong na sa kanilang marahil staff ng kapatid ni Rhianie.

Ginala niya ang paningin sa paligid. Well, secured ang paligid sa dami ng mga bodyguard na naka kalat. At ang mga bisita ay mukhang mga anak mayaman din. Patunay ang mga mamahalin na sasakyan na naka parada. Maliban pa ang yate sa di kalayuan.

" What a glamorous lifestyle." hindi niya napigilan na komento ng makapasok sila sa bahay bakasyunan. Mag mula sa dekorasyon at muwebles ay worth millions.

Nilingon siya ni Rhinie at inirapan.

" Love what you see?" tinig mula sa likuran nila bago pa man siya makapag salita kay Rhianie na mas gusto niya ang simple nitong bahay bakasyunan sa Benguet.

" I'm glad you made it, Al." deritso na lumapit sa kanya si Aye flaunting her almost naked body.

Hindi na siya naka react ng ipulupot nito ang braso sa kanyang braso.

" The party is outside. Let's go!" pagyaya nito at saka siya hinila palabas ng bahay.

" Rhianie!"  lingon niya sa dalaga na parang may patalim na lumabas sa mga mata nito na habol sila ng timgin.

" She knows her way here. Don't worry." Ani Aye at idinikit ang dibdib sa kanyang braso.

Paano ba tumanggi sa prinsesa na hindi siya ma firing squad?

Sa pagkakataon na iyon mas appreciated niya ang mga kasamahan. Ewan ba niya kay Dimayuga at sumama pa hindi naman niya mahagilap.

"How did you find the way I hosted a party ?" tanong nito na malaki ang ngisi.

Wala siyang masabi dahil kahit saan igala niya ang mga mata nagkalat ang mga babae at lalaki na halos mga wala ng saplot sa katawan. Lahat nagkakasiyahan marahil sa kalasingan. Nasa gilid lang ng pool ang bar at literal na bumabaha ng alak.

" Amazing party!" Tangi na lang niyang sinabi at hinagilap ng mata si Rhianie.

" I'm a very jealous person, Al. I want your eyes on me only." Sabi nito at hinawakan ang kanyang baba para sapilitan na mapatingin dito.

" And to be honest, I like you." Pagtatapat nito na hindi niya magawang makapag salita.

" And I always get what I want." Sumilay sa mapula nitong labi ang mapang akit na ngiti.

" It's an honor, Princess Aye. Aside from we just met for less than twelve hours. My eyes are already on someone." Pangtanggi niya na tinaasan lang nito ng kilay.

" Are you married?" tanong nito na umiling lang siya.

" That's all I need to know Al. I am confident you will be mine." kompyansa nitong sabi.

" C'mon." hinatak siya nito sa bar counter at nag utos sa bar tender na bigyan sila ng hard liquor.

Muli niyang iginala ang paningin sa paligid upang hanapin si Rhianie pero hindi niya ito mahagilap.

" Here take this." inabot sa kanya ang baso ng alak na sigurado siyang vintage.

Hindi niya inaasahan ang pag abot nito sa kanyang batok at paghalik sa kanyang bibig. He is dumbfounded sa pagiging aggressive nito. Hinawakan niya ang balikat nito at inilayo sa kanya.

Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay nito sa kanya. At sumulyap sa gawing likuran niya.

" Did you know that my sister really hated it when I  tasted everything that belonged to her? May it be food or person?" Ngiting tagumpay ito. Kaya nilingon niya ang tinitingnan nito ang there he saw Rhianie. Masama ang tingin sa kanila at nakakuyom ang kamao.

Akma niya itong lalapitan ng hawakan siya nito sa braso.

" I did the same on her first love and she just gave him up. If she did not give you up, that means she loves you."  Sabi nito na mukhang aliw na aliw sa ginawa.

" I will make sure she will not give me up. Excuse me." paumanhin niya at tinalikuran na ito.

Malaki ang kanyang hakbang upang habulin si Rhianie na nagmamadali din na palabas na ng bahay bakasyunan.

" Rhianie, wait!" tawag niya sa dalaga na parang walang naririnig at patuloy pa din sa lakad takbo na tinutunton ang parking area.

" Alis!" madiin nitong sabi ng humarang siya sa balak nitong pagbubukas ng sasakyan.

" Aalis na talaga tayo. Give the car keys." Sabi niya at inilahad ang palad.

Masama ang tingin nito sa kanya na inabot ang susi.

" Are you sure, gusto mo nang unuwi?" Tanong nito na para siyang binabalatan ng buhay sa klase ng tingin na ipinukol sa kanya.

" Kung uuwi ka, uuwi na lang din ako." Sagot niya dito na mas nakapag pagalit dito.

" Masama yata ang loob mo eh! Pwede ka naman maiwan. She can send you back to the hotel, or you can stay with her as her toy until she gets tired of you." galit nitong sabi at balak agawin ang susi pero itinaas na niya ang kamay.

Hinapit niya ng libreng kamay ang beywang nito. Saka inilapit ang mukha dito na nag iwas naman ito ng mukha.

" Nag seselos ka lang, Rhianie. You're talking nonsense." Akma niya itong hahalikan pero malakas siya nitong itinulak.

"Nonsense? Sana nga nonsense lang! Pero bakit nasasaktan ako ng makita kong naghahalikan kayo? I am angry because I am threatened na aagawin ka niya sa akin. Kahit na wala akong karapatan. We are not in a real relationship anyway." Hindi nito itinago ang galit at inis na sabi saka nag walk out!

Elite Bodyguard: Al Christian KaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon