Maagang napabalikwas ng higa ang binata , di niya maipaliwanag ang kanyang nahapyawang panaginip na may isang imahe na babaeng pilit syang tinatawag, isang aninong naglalakbay sa napakalayong lugar at nais na siya'y samahan upang hanapin ang liwanag na nais marating ng anino.
di nya alintana ang oras at agad naman inayos ang sarili, nahanap nya ang kanyang sarling nakangiti at tila bang sabik sa isang araw na muli nyang makikita si LYRA.
ilang linggo na din simula ng magkakilala sila ng dalaga. halos araw araw ang mga ngiti nito ang syang bumubuhay sa mga oras na magkasama sila nito. ang bawat araw at oras na mukha lamang ni lyra ang kanyang nakkita ay isang masayang sandali para sa kanya.
Isang araw, ang mga taong nakakasaksi sa mga gingawa ng binata ilang linggo na ang nkakaraan ay tila nagkakaroon na ng pagtataka. isang pala isipan ang sa kanila ang nakikita sa kinikilos nito.
"beng , kilala mo ba yang lalaki na yan laging nadaan dito ?" tanong ni mang rio
"aba'y hindi pero sa halos araw araw na nakangiti ang binata na yan habang dumaraan sa aking tindahan ay mukhang meron syang sinasadya sa ating lugar" tugon ni beng.
"aba e halata naman na masaya at mukhang laging mabango , nakakapagtaka dahil ngayon ko lamang nakita angbinata na yan. pero ang mukha niya isang gwapo at isang matipuno" dagdag pa ni beng
"sus , beng ika'y matanda na wag sasabihing ikay nagmumurang kamias". biro ni mang rio
"sus nagsalita ang hindi gwapo at isang matandang walang alam kundi mag mansid lang maghapon" sambit at tudyo ni BENG
tumalikod at lumakad naman papuntang direksyon ni gabriel si mang rio, ang ang wari nito ang binatang kanyang sinusundan ay may lihim nino man ay walang nakakaalam.
YOU ARE READING
LIHIM NG KAYBIANG TUNNEL
FantasySA ILALIM NG ARAW NA NAGLALAKBAY SA LANGIT NG CAVITE. ISANG TUNNEL ANG NATATAKPAN NG LIHIM AT MISTERYO.... ANG KAYBIANG-TUNNEL