1993
Lumipas ang isang taon simula nang nangyari ang lahat, pero ang paglaban namin para sa kalayaan ay hindi pa natatapos.
Nakaahon ang samahan at nakarekruit kami ng mga taong gustong lumaya mula sa kamay ng Marcos.
Bumuo kami ng bagong pangalan at nagtuloy-tuloy ang plano namin sa pagpoprotesta, tulad ng pagpapakalat ng mga flyer at dyaryo tungkol sa katiwalian ng mga Marcos.
Nagtuloy-tuloy din ang rally namin, at sa lumipas na anim na buwan, smooth ang operasyon namin dahil binibigyan kami ng suporta ng malalaking tao sa aming likod.
Binibigyan niya kami ng impormasyon tungkol sa mga plano at katiwalian ng mga nasa taas, at pinapalaganap namin ito gamit ang mga flyer at dyaryo. Alam kong epektibo iyon dahil marami nang sumusuporta ngayon sa mga aktibista kumpara sa dati.
Siya rin ang nagbigay ng kampo samin, at isang araw sa isang linggo, bumibisita siya dito para maghatid ng balita o kung wala mang balita ay, pagkain.
Ngayon araw siya pupunta, kaya naman nagsasaing na ang mga kasamahan namin para salubungin sya.
Magkakaroon kami ng pagpaplano para maka-laganap ng impormasyon, ng record ng boses ng isang tao mula sa politika para tumibay ang aming ebidensya, at mas maraming tao ang maniwala.
Sinabi ko na sa kanya iyon noon, at ang sagot niya lang sa akin ay magkakaroon daw ng charity ball ang Malacañang kaya naman doon ko balak makakuha ng impormasyon sa pamamagitan niya.
Tanging sinagot niya lang sa akin ay magiging mahirap daw iyon, pero sinabi ko lang na wala namang madali. Kung talagang gusto nating lumaya, kailangan talaga nating banggain ang nagkulong sa atin.
"Nandiyan na po si Sir Manuel," napabalik ako sa katinuan ng biglang tumatakbong isang batang lalaking miyembro ng aking grupong aktibista ang pumasok sa aking tent..
Simula nang maibalik ang aming samahan, ako ang ginawa nilang lider para manguna sa pagpaplano dahil ako daw ang tumulong sa kanila para makalaya.
"Ah, sige, nasaan na siya?" tanong ko habang nagtatakip ng talukbong sa ulo para hindi hanginin ang aking buhok kapag ako'y lumabas na.
"Nandoon po sa bonfire kasama ang ibang miyembro." sabi niya, kaya tumango na lang ako.
Nagsuot lang ako ng pang ginaw dahil malamig ang gabi.
kaagad akong lumabas ng tent pagkatapos kong magbihis para pumunta sa bonfire, kung saan kami madalas na nagsasagawa ng mga plano para sa susunod naming hakbang, madalas ay dito din kami salo-salong kumakain at nagtatawanan.
"Nandyaan na po sya." Dinig kong sigaw ng batang lalaki kaya napatingin saakin ang lahat.
nahagip ng mata ko si Emanuel na nakasuot ng uniporme habang nakatitig saakin.
Umiwas ako ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig nyang lagi nyang ginagawa sa loob ng anim na buwan. umupo ako nang malayo sa kanya, pero kaharap ko pa rin naman siya. nang makaupo ako ay mahabang katahimikan ang namayani sa amin bago ito pinutol ni Emanuel.
"Na-approved na ang bagong constitution kaya ako pumunta dito ngayon para ibalita sa Inyo." panimula niya.
"Anong constitution?" tanong ko dahil sa sinabi nya.
"The Constitution of the Philippines (Saligang Batas ng Pilipinas) is the supreme law of the Philippines now." sabi niya at huminga nang malalim bago muling nagsalita.
"Pinalitan na nila ang Saligang Batas ng 1935, kaya ngayon ay nagtatag sila ng isang parliamentaryong sistema ng gobyerno, kung saan ang kapangyarihang lehislatibo ay nasa National Assembly. Ang Prime Minister ang inihalal bilang pinuno ng gobyerno at commander-in-chief, habang ang Presidente naman ang nagsisilbing pinuno ng bansa. Ang kapangyarihang magpataw ay ipinagkatiwala sa Korte Suprema." Patuloy nya.
YOU ARE READING
Martial Law (1972) | ONGOING
RomanceIn 1972, during the height of Martial Law in the Philippines, society is divided. The government, led by President Ferdinand Marcos, exerts strict control over the country, silencing dissent and imposing curfews. Amid this turmoil, a love story unfo...