Nagising ako mula sa pagkakatulog, gawa ng naramdaman kong lalong sumisiksik si Leo sa'kin.
“ panaginip lang ‘yun? ” tanong ko sa sarili ko. naramdaman ko ring may luha sa mata ko at agad ko itong pinunasan, napansin ko rin kung paano sumiksik at humigpit ng yakap si Leo sa'kin na para bang ayaw na bumiitaw.
“ love.. love. Gising ” sabay tapik sa kaniya
“ ... po? ”
“ anong meron sa'yo bakit ganyan ka maka siksik sa'kin? ”
“ nilalagnat ako, giniginaw din ”“ sandale kukuha kita ng longsleeve, kumain ka na ba? ”
“ kanina, kina tita oo. ”
“ gusto mo mag medicine? ”
“ meron pa ba tayo? ”
“ m-meron pa naman siguro, check ko. ”
Agaran akong pumunta sa cr para i-check ang medicine kit kung meron pang natitira pang lagnat or trangkaso, pero habang nag hahanap ako bigla namang sumagi sa isipan ko ‘yung nangyari sa panaginip ko. Sign ba ‘yun, o isang random na panaginip lang? Pinag patuloy ko naman ang pag hanap ng gamot para kay Leo at nang maka hanap ako agad akong bumawas at kumuha ng tubig sa kusina bago ibigay sa kaniya
“ love oh, take ka na ng medicine ”
“ thank you love. ” tinake niya agad ‘yung gamot at sabay inom ng tubig bago ibigay sa'kin ang baso.
Bumalik siya sa pagkakahiga at nag kumot, pansin ko paring nangangatog siya sa lamig at nag pasya akong hinaan ang aircon kahit kaunti para naman mabawasan ang panginginig niya sa lamig ng kwarto.
Nag paalam na rin ako na bababa ako para kumain at makausap na rin si papa tungkol sa panaginip ko.
I know that it's not a big deal to talk about it but I can't get that out of my mind and I keep asking myself if it's really going to happen or not?
“ pa? saan ka? ”
“ dito nak sa sala bakit? ”
agaran akong bumaba at pumunta sa kaniya sa sala at naupo sa tabi niya.
“ ano ‘yun ‘nak? Bakit parang ang lungkot mo? ”
“ ano po kasi pa.. nanaginip po ako na nag aaway po kami ni Leo, and reason po ng away namin is tinatago niya po sa'kin 'yung pag pasa niya sa seminaryo nang ilang buwan na. ”
“ oh, tapos? ”
“ ayun po, natatakot po ako kase baka po sign siya from god or something na hindi niya masabi sa'kin directly kase natatakot po siya or nahihiya sainyo. ”
“ ‘nak, if ever mang mangyari ‘yung panaginip mo, ihanda mo na sarili mo. Kase may kaniya kaniyang bokasyon ang mga tao, kung ikaw hindi mo gusto o ramdam na hindi ka tinatawag ng diyos para mag seminaryo.. E malay mo ganon siya, tinatawag siya ng panginoon. Tsaka if ever mang papasok na siya ng seminaryo.. edi si papa mo nalang ang kasama mo, ‘di na kita iiwan. Kahit na isama pa natin mga kuya mo dito eh. ”
“ … ”
“ pa.. baka hindi ko po kayanin na mawala po si Leo sa'kin.. kase through ups and downs kasama ko po siya,even po nung umuwi kayo dito. Siya na po naging kakampi ko sa lahat.. ”
“ anak, naiintindihan ko. Ganyan rin ako nung papasok na ako ng seminaryo, hindi ko kayang iwan sina lola't lolo mo. And hindi ko kayang iwan mga kapatid ko, pero alam ko naman na kakayanin mo. Sa una mahirap mag move on, kase may mga mawawala sa piling mo. Pero kinalaunan ay unti unti mo ring matatanggap ‘yung mga bagay na hindi mo kaya nung una. ”
BINABASA MO ANG
SEMINARYO
Romancethis story is a Filipino BL story, about two young men who are roommates who gradually fall for each other and enter the sacristan at the same time. Until one of them fell out of love, and responds to "The Lord's Call" and started going through semi...