KELLY'S POV
Bigla akong nanlumo sa kwento ni Marie. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. All this time, mga multo pala 'yung kasama namin?
Ang mas nakakapanlumo sa 'kin ay ang marinig ang nangyari kay lola Ester! Hindi na sila naawa sa matanda. Masahol pa sila sa hayop!
"Parating na sina mommy at daddy dito Kea," aniya. Bakas sa mukha nito ang lungkot. Alam kong sa aming lahat, siya ang pinakaapektado. Lola niya mismo ang binaboy.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Napahikbi siya ng mahina.
"Ngayon ko lang nalaman ito Kea, ngayon lang sinabi sa 'kin ni Mommy ang tungkol kay lola," hikbi niya.
Hindi na ako nagsalita pa. Niyakap ko lamang siya para kahit papano ay mahimas-himasan siya.
Kararating lang namin dito sa ospital. Naguguluhan man si Ella ngunit mas minabuti na lang namin ang hindi umimik sa mga nangyari. Si Tofee naman ay natutulog sa isang hospital bed. Nakaramdam ako ng awa sa kanya, sa mga pinagdaanan niya-I mean namin. Hindi naman ako dalawin ng pagod dahil iniisip ko si July.
Nagpaalam ako kay Marie na magpapahangin lamang sa labas. Hindi pa naman ako inaantok. Pumunta ako sa mini garden umupo sa isang bench. Kapag dumating ang parents ni Marie, I'm sure uuwi na kami at hindi ko na siya makikita pa.
"Psst..."
"Psssstt..."
Biglang nagsitayuan ang balahibo ko. Ang alam ko kasi kapag may sumusutsot sa 'yo may multo. Waaahhh! Please tama na! Hindi na matetake ng utak ko ang makikita at malalaman ko.
"Pssstt!"
Ayan na naman eh! Please magpakita ka na lang sa 'kin. Ayoko ng may pasuspense effect pa! Mahuhulog ang puso ko sa takot niyan eh.
"Hi!" Biglang may tumabi sa 'kin na malamig na tao. Ohno! Ayoko siyang lingunin. Bakit parang malamig ang balat niya? Nakadampi ito sa balat ko. Masama ito! Bad idea nga siguro ang pagpapahangin ko.
"Kellay?" Natauhan ako sa boses na nagsalita. Parang...parang pamilyar sa 'kin at boses. Dahan-dahan kong inikot ang ulo ko sa gawi niya at napangiwing ang nakangiting mukha ni July ang nakikita ko.
Nakaramdam ako ng kaginhawaan ng makitang siya lang pala. Akala ko multo na naman eh. I'm pretty sure, aatakihin na naman ako sa puso. Psh!
"Bakit nandito ka?" wala sa loob na tanong ko. Pasulpot-sulpot naman kasi ang peg niya eh.
Kumibit balikat siya at tumingin sa kalangitan saka kumurba ang ngiti sa labi niya. "Siguro kasi alam kong nandito ka..." sagot niya.
Napakunot ako ng noo. Tumingala na rin ako at namangha sa nakikita ko. Ang ganda pagmasdan ng mga bituin.
"Uuwi na ba kayo Kellay?" Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Ramdam ko ang kalungkutan sa boses nito.
Matagal ko siyang tinitigan. Mamimiss ko ang gwapo niyang mukha. Lahat sa kanya mamimiss ko. Kung pwede ko lang sana siyang isama.
"Oo. Maya-maya darating na ang parents ni Marie. Siguro bukas uuwi na kami pagkatapos mabenditahan ang bahay ni lola Ester. Alam mo bang-"
"May sasabihin ako sa 'yo Kellay pero huwag kang magugulat," aniyang napakaseryuso. Tiningnan ko na lamang siya at naghihintay sa sasabihin niya.
"Kasi..." he paused. I frowned but still waiting for his words. "Mamahalin mo pa kaya ako kapag-"
Pinutol ko ang pagsasalita niya nang niyakap ko siya ng mahigpit. Mamahalin? Alam ko ano ang gusto niyang sabihin o itanong.
BINABASA MO ANG
Oh my GHOST![on-going]
ParanormalLahat hahamakin sa ngalan ng pag-ibig. Pero imposible nga ba magmahal ang isang tao sa isang multo? Kelly Andrea Benedicto. Babaeng nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. July Romulo. Ang multong parang hindi multo. Misyon...