Therese's eyes were narrowing at me when Cj left. Nagngingising aso ito habang nakaupo na ako.
Kinunutan ko siya ng noo. "What?"
Tumawa ito. "Ano 'yon baks?.. Yieee!" parang tangang tili nito habang tinutusok ako sa aking tagiliran at umupo sa tabi ko imbes na sa haparan ko.
Umiling ako at kinagatan ko ang pizza na binili ko kanina.
"Tinulungan lang ako, Therese. Napadami ang nabili kong snacks. Oh!" sabay bigay ko sa kaniya ng waffle ko.
Tinanggap naman nito iyon pero nakatitig pa rin sa akin na may nanunuksong ngiti sa labi.
"Tinanggap mo ang tulong niya, so ibig bang sabihin niyan.. lalandiin mo na pabalik?" tili niyang dugtong.
Salubong ang kilay ko siyang nilingon. Anong pabalik? At bakit ko naman 'yon lalandin? Eh, naiinis pa rin ako kasi tinawag niya pa rin akong gano' n. Nakakainis! Nang-aasar din yata ang lalaking iyon.
"Anong lalandiin pabalik? Tinulungan nga lang ako, Therese, tsaka 'di ko 'yon lalandiin, nakakainis nga ang lalaking 'yon."
Tumawa ito. "Lumalandi 'yon, Meo. Landiin mo na rin pabalik. 'Yang inis mo sa kaniya, lulusaw din 'yan sinasabi ko sa' yo."
Umirap ako. "Tinulungan nga lang ako, Therese. Hindi 'yon landi. Nakasunod siya sa' kin kanina sa pila para bumili—"
"Nakasunod 'yon sa' yo hindi para bumili, Meo. Ikaw talaga ang sadya no'n, trust me." she cut me off and then she winked at me.
Delusional naman ang babaeng 'to masyado, parang timang. Kung sa assumera na tao 'to mag gaganito, mag a-assume talaga ng napakalupit.
Buti nalang hindi ako assumero. Pretty lang. Teka, bakit naman ako mag a-assume? Hindi nga ako assumero, tumulong lang iyong tao, Meo. Huwag mong lagyan ng ibang kahulugan. Hindi 'yon lumalandi.
Palihim kong ipinilig ang ulo ko. Nakakainis 'tong babaeng 'to.
Nakakunot pa rin ang noo ko sa kaniya. "Tumigil ka nga. Bibili dapat 'yon kaso.."
Napakurap ako at natigilan. Bakit nga ba 'yon 'di bumalik sa pila kanina? Parang nagmamadali ata 'yon, baka may klase pa siya. Ang haba na rin kasi ng pila paglingon niya.
Naguilty tuloy ako. Parang ako 'yong may kasalanan kaya hindi siya nakabili at naabutan na siya ng oras.
"Kaso?" tanong ni Therese nang hindi ko matuloy-tuloy dahil nakaramdam ako ng guilt.
"Nagmamadali ata 'yon." kibit balikat kong sagot.
"Bilhan mo nalang ng snacks, mhie. 'Tas ihatid mo sa building nila."
"What?! Why would I do that?" lingon ko sa kaniya.
"Hoy baks," dinuro niya ako. "Tinulungan ka niya kanina at nakita ko ngang nagmamadali 'yon, sino sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi na 'yon bumalik sa pila?" taas kilayng tanong niya sa akin.
Ako, malamang. Ako lang naman ang tinulungan niya kanina. At bakit parang nangongonsensya ang babaeng 'to ngayon?
"May klase pa ata 'yon.." lumingon ito sa mga nakapila sa counter kaya napalingon na rin ako doon. Marami pa rin ang nakapila.
"Aabutin 'yon ng siyam-siyam kung pipila siya diyan pabalik. Ilibre mo nalang, mhie." ngising lingon niya ulit sa akin.
She wiggled her eyes brows at me.
Dahil nakaramdam ako ng guilt. Kaya ko namang manglibre, pasasalamat sa tulong niya at para mawala na 'tong guilt na naramdaman ko ngayon. Pero never akong tatapak sa building nila, noh.