Prologue

12 1 0
                                    

I don't know if it's right to give people a chance who almost ruined your life. Sumira ng pangalan mo. Betrayed you. Abused you physically. Cursed at you. Controlled you. At sa huling pinaka rason na pumipigil sa 'yong patawarin sila ay iyong iniwan ka noong mga araw na mas kinakailangan mo sila. 

Kahit ba sobrang tagal na noong mga nangyari at ngayo'y maayos na ulit ang lahat at bigla naman silang sumulpot sa buhay mo para humingi nang tawad ay patatawarin mo ba?  

Pero paano kung hindi lang pala ang tawad mo ang hinihingi niya? 

Paano kung gusto niya ulit pumasok sa buhay mo? 

Hindi ko alam. 

Naiisip ko na baka kaya lang naman pala nahingi nang tawad ay para lang sa sarili niyang konsensiya. And it is not that hard to forget everything. All the pain and sufferings, ako lahat ang sumalo. At unti-unti na akong nakakabangon ulit ngayon kahit na  madalas pa rin akong multuhin ng nakaraan. Pero hindi ko inaakala ngayon na hindi na pala multo ang dadalaw sa akin kung hindi siya na talaga ngayon mismo sa harapan ko. 

Alas siyete na ng gabi at pauwi na ako galing sa pang huli naming subject ngayong araw. Dala-dala ang tatlong makakapal na libro nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko bago ko pa marating ang kanto papunta sa dorm namin.  

"Hi," that's the first word that came into his mouth with his manly voice. 

I was too stunned to speak. Kinakabahan din ako dahil ilang taon ko rin siyang hindi nakita. Para na akong maiiyak ngayon dahil sa napakatagal na titig ko sa kaniya. I coulnd't even think a word. 

I thought I was healed. I thought everything is now okay and settled. Pero bakit ngayong nasa harapan ko na siya ay parang bumabalik lahat. 

"Rhian," he called. 

Napalunok ako sa pangalan kong ngayon ko lang ulit narinig magmula sa kaniya. 

Bakit kahit sa lahat nang mga ginawa niya sa akin noon ay para pa ring anghel ang boses niya sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. 

Am I that still too soft to him?

Hindi na dapat ngayon, Rhianna! Wake up! Be cold to him! 

Mas tumindig ako at seryosong tinignan siya. "Why are you here?" I asked trying my best to hide all of my emotions. 

He laughed awkwardly and scratch his nape. "I-I just want to talk to you."

"For what?" I coldly asked. 

Pabalik balik niyang tinignan ang mga mata ko na parang nangangapa sa dapat niyang sabihin. "Galit ka pa rin ba sa akin?" 

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. 

After all the things he have done to me nagawa niya pa akong tanungin na common sense naman ang sagot?

Napatitig ako lalo sa kaniya at hindi mapigilan ng utak kong maalala na naman ang nangyari sa amin noong gabing iyon. 

Dis oras na ng gabi at naglalakad ako ngayon sa madilim na eskenita at tanging flashlight lang ng phone ko ang nagbibigay liwanag sa akin sa daan. Papunta ako ngayon sa boyfriend ko para sunduin siya sa inuman ng mga tropa niya dahil wala na akong nakuhang update pa magmula sa kaniya maliban na lang sa paalam niyang papunta na siya. Ilang oras na kasi ang nakakalipas simula nung huling update niya kaya nag-aalala talaga ako nang sobra.

I don't know why my hands are shaking right now at bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko nang marinig ko na ang ingay at kantahan malapit sa dinaraanan ko. Nang matanaw ko na ang mga tao pagkaliwa ko ay hinanap na kaagad ng mga mata ko si Anthon. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

unknown paWhere stories live. Discover now