<3

28 2 1
                                    

"JAYSON!!!!!!!"

"Saan???"

"Tss!! Yun lang pala magpapagising sa'yo. Dalian mo na dyan at male-late ka na. Kahit kaylan talaga ang kupad kupad mo. Hay! Kabataan ngayon!" - Mother Earth

"Ma naman eh! *pout* Haysss!!"

Pagkatapos akong gisingin ni Mother dear bigla naman syang naglaho. May lahi kasing bula si mama eh.

Sinuot ko naman yung glasses ko sa study table ko na may stolen picture ng taong mahal ko. *Insert smile na pang-inlove here*

Alam mo destiny talaga tayo. Biruin mo pangalan mo unang narinig ko pagkagising ko ngayong umaga. Kausap ko picture ni JAYSON wag kayong magulo.

"Ang pogi mo talaga!"

*mwaah .. mwaah .. mwaah .. mwaah .. mwaah*

Napuno na tuloy ng halik ang bebe ko .. Ahahahaha . Kalerkey !!

Jayson Laspiñas .. My love, my darling, my sweetie, my apple, my baby, my forever babe, my honey, my hubby, my-----

"ANDREA GESTOSANI!!!"

"Mama naman eh!!! Eto na papasok na po sa banyo. Maliligo na."

Ugh!! Alam na alam talaga ni mama na pagising kosa umaga magdi-daydream muna ako sa super-duper-mega-ultra-hyper crush ko. Naman!! Panira ha. Lakas pa ng boses -_- Tsk! Pumasok naman ako ng banyo ng kamot ng kamot sa ulo with matching hikab pa.

-----

School

6:22 AM

"~Give Love sarangeul jom juseyo Give Love sarangi mojarayo maeilmaeil jaraneun sarangeul geunyeoege juneundedo badjil anheuni Give Love sarangeul jom juseyo Give Love sarangi mojarayo maeilmaeil jaraneun sarangeul geunyeoege juneundedo badjil anheuni~"

Kumakanta ako ngayon papasok ng klase. Good mood ako anu ba, haha. Patalon-talon pa ako nyan. ^_^v

"Annyeong chingus!! *wide smile with peace sign*" (Hello friends)

Bati ko sa mga kaklase ko pagpasok ng room. Syempre todo irap at walang pakialam ang iba. well, sanay na ako. Hmp! Araw-araw na lang ganyan. Di ba sila napapagod magsimangot?

"Andrea tigil-tigilan mo nga kami dyan sa pagko-korean mo."

"*pout* Waeyo?" (Bakit?)

"Aish! Ewan ko sayo"

Dumiritso naman ako sa upuan ko at (as usual) lumingon ako sa kinaroroonan ni Jayson. Ang gwapo nya talaga. Sh*t!! Ang seat nya ay katabi ng bintana at nakasandal sya rito. He's so cool!! Awwww. Why so cute??

"Baka matunaw si Jayson ha!"

"*weak smile* Grade 5 to 4th year. Tsk! Grabe!! Ilang years din yun ha. Pero .. Hindi nya man lang ako napansin."

Inusog ko naman ang upuan ko paharap kay Bhejay na nasa likod ko. Friend kong hyper din katulad ko pero marami syang friend, hindi tulad sa akin na iniiwasan lagi. :( 

"Bhejay, ano bang kulang sa akin? I mean .. hindi ba talaga ako kapansin-pansin?"

"Ganito lang yan eh. Hearthrob sya .." With hand gesture pa po yan. Nilagay nya yung palad nya sa itaas yung parang nagsusukat ng height. Ganun!

" .. at NERD ka." sabay lagay ng other hand sa ilalaim. Yung itsura tuloy parang langit at lupa ang pagitan namin. Hay! Saklap naman.

"Don't get me wrong, cute ka naman eh."

Oh right! Cute ako -_- Psh!!

And yeah. NERD ako. May glasses ako pero wala akong braces, madalas din akong makita sa library. Pero normal naman ako na teenager. Adik sa KPop, sa anime at trip ko rin magbasa ng manga minsan. Hindi naman ako nakasubsob lagi sa libro no. Duh!!

"Otto ke? Jayson-yah! Nuh moo saranghae." (What am I going to do? Jayson, I love you too much)

Sumubsob na lang ako sa upuan ko. Hay! Peg-ebeg nge nemen.

"Ayan ka na naman sa Alien languange mo Andrea. Sige alis muna ako."

Sana magising na lang ako isang araw na maganda na ako, sikat na ako. Para naman magka-level na kami ni Jayson my loves at ng mapansin nya na rin ako. Too bad ipinanganak akong panget. K fine! 'Cute' nga raw sabi ni Bhejay, Hindi naman pinapansin.

Nakakainis din minsan si kupido no? Bakit hindi na lang nya pinana si Jonathan at ako? Atleast bagay kami. Parehas kaming NERD. Pero Na-uh!! Never akong magkakagusto dun no! May sariling mundo yun eh. Ang creepy lang minsan. Prang si Albert Einstien nga ang katalinuhan parehas din namang pinagkaitan ng suklay.

Hanggang pangarap ka na lang talaga Jayson Laspiñas. (_ _)

Inayos ko na yung upuan ko.

Tiningnan ko ulit si Jayson. *pout* Sana may superpowers na lang ang mata ko no? Na isang titig ko lang sa kanya mabibighani na sya sa'kin. Nyeee!! Ang corny.

Ang astig nya talagang tignan.

Jayson naman eh. Bakit sa lahat ng tao rito sa mundo ikaw pa? Ikaw pa na hindi man lang ako mapansin-pansin? Bakit kasi nakakaakit ang brown eyes mo? Mag-contacts ka na lang kaya! Bakit ang haba ng pilikmata mo? Putulan mo naman minsan. Bakit ang tangos ng ilong mo? Palit na lang tayo. Bakit nakakasilaw lang ng mga ngiti mo? Maging serious ka na lang. (Wag na lang pala mas lalo ka lang magiging cool!) Bakit .. Bakit nakakainlove ka? Bakit ang perfect mo sa paningin ko?

Bigla naman syang lumingon. Sh*t Brown eyes. Iwas iwas din tayo pag may time. Namumula ako takte!!!! Sumasakit pa tyan ko dahil sa mga pesteng paru-paro.

Pikit Andrea. Pumikit ka na lang. Kunwari inaantok ako. Shit men. Hindi na naman ako makakatulog nito mamayang gabi for sure.

*saksak headset habang nakapikit*

NP: Maldo Andwae (Personal Taste)

"~maldo andwae nado mollae neoman baraboge dwaesseo miwohaebwado aereul sseobwado sumgyeobwado andoeneungeol ireom andwae jakku wonhae nege ppajyeotdago malhae kkumeul kkwo bwado neo ppuningeol maldo andoejiman neol Saranghae~"

Sinabayan ko na lang ang kanta pampakalma na rin sa heart ko na nagwawala. Epekto nga naman ni Jayson oh. Anlakas! Grabe!!

"Saranghae? Ano meaning nun?"-???

Ha? Nagmulat naman ako, and ... *total blush* </////< tingin sa ibang direksyon. Kinuha ko na rin ang headset na nakasaksak sa tenga ko. Nasa harapan ko na pala siya nakatayo. Nasa bulsa ng pants ang mga kamay nya at naka-poker face. Pero ang gwapo nya pa rin.

"A-ah??"

"Ano yung Saranghae?"

Seriously?? Tinatanong mo talaga sa akin yan? Naman! Gusto mo ba akong patayin sa kilig?

"I-I love you."

"Mahal mo ko?"

This time tumingin na talaga ako sa kanya.  0_0 >/////< Waaaaaahhhh!!!!! Mapapaconfess ata ako ng wala sa oras.

"Ah? Yung mean----"

"Mahal mo ako Andrea?"

Oh My Gosh!!!! Nakaka-inlove talaga boses mo, ang manly. Sh*t.

"Eung." (Yes)

^//////^ Napayuko na lang ako. Wala na! Nagconfess na ako. Tae!!!!! Wag mo akong ireject please. 

"Hindi na ako magiging torpe pa. Tagal na pala kitang tinitingnan lang."

WHAT THE HECK?????!!!!!

Napaangat naman agad ako ng tingin.

"*smiles* Na Do Saranghae." (I love you too.)

0//////////0

Saranghae-I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon