~~~ilang araw na ang nakaka lipas simula nang malaman kong umuwi na si Ginoong.Gabriel ngunit hindi kona ulit ito nakita nag babaka sakali akong maisip niyang dumalaw saamin ni Lia ngunit tila yata nakalimutan niya na kaming mga kaibigan niya kaya hinayaan ko na lamang kaysa sa umasa ako sa wala.
Sabado nang Hapon nang yayain akong mag simba ni Lia nag paalam ito sakaniyang ina na isasama ako upang may kasama siya at mabuti na lamang at pumayag ito.
Nag lalakad kami ni lia papasok nang simbahan nang makita ko si Gabriel nag lalakad rin ito papasok nang simbahan kaya tila akoy kinabahan nais ko sanang sabihin ito kay Lia ngunit ayukong malaman niyang nag sinungaling ako na nag kita na kami ni Gabriel kaya hinayaan ko nalamang muna.
Pag pasok namin nang simbahan agad kong hinagilap nang aking mata si Gabriel at nakita ko itong may kasamang isang ginoo sa kabilang bahagi nang mga upoan kong saan naka upo ang lahat nang mga kalalakihan. palihim ko itong sinulyapan at nakita kong abala itong makipag usap sa kasama habang hindi pa nag sisimula ang misa nais ko sana itong batiin ngunit hindi maari at isa pa akoy kinakabahan sa diko malamang dahilan.
Nang mag simula ang misa tinoon ko nalang ang aking pansin sa mga pangaral nang prayle upang hindi na ako mabagabag sa presensya ni Gabriel.
BINABASA MO ANG
Primer y' ultimo amor (una at huling pag ibig)
Historical Fictionsi Ella ay isang anak nang mababang uri nang babaeng taga pag silbi ngunit ang kaniyang ama ay isang kastila subalit hindi ito kinikilalang anak nang kaniyang ama dahil sa ipinag kasundo ang kaniyang ama nang magulang nito sa ibang babae. Lumaki si...