11: DEPRESSION

13 0 0
                                    

Maka lipas ang ilang araw at iniisip ko padin 'yung pag amin ni Leo, kahit na handa ako. Hindi ko padin kaya at some point.

Sa loob ng ilang araw na lumipas, dun narin ako natutulog sa kwarto ni papa. Sinusubukan ko na ring lumayo sa kaniya at sanayin ang sarili na wala siya, minsan tinatanong niya ako kung hindi ko siya tatabihan.. Hindi nalang ako sumasagot.

“ nak? nag usap na ba kayo ni Leo? ”

“ hindi pa po papa, parang hindi ko pa po kaya na kausapin siya..”

“ anak, kailangan mong kausapin si Leo. Kung tatapusin niyo na ba, kesa naman nahihirapan ka. Ayokong nakikita kong ganon kalagayan mo, please anak kausapin mo na siya. ”

“ opo papa, kakausapin ko na po siya. ”

“ sige.. Leo, pasok ka na. ”

Nabigla ako nang narinig kong pinapasok niya si Leo sa kwarto, so.. plano nila 'to?

Pumasok na si Leo sa kwarto at naupo sa kama, sa tabi ko. Naupo na rin ako nang maayos at hindi alam ang gagawin.

“ maiwan ko muna kayo. ” Lumabas na si papa ng kwarto at kami na nga lang ni Leo ang naiwan.

“ ...ano nang balak mo? ”

“ h-hindi ko na alam.. Nahihirapan akong mag isip, kase.. Lesther mahal kita. Mahal na mahal, ayokong mawala ka. Ayokong.. maging mag isa.. pero— ”

“ pero gusto mong mag pari, Leo pag isipan mo nang mabuti 'yan.”

“ … ” biglaang sumandal si Leo sa'kin pero 'di ko nalang pinansin, humawak rin siya sa braso ko pero.. at biglang umiyak.

“ Lesther.. Mahal kita, pero gusto ko ring mag pari.. Hirap na hirap na ako, gusto kita maka sama nang matatal. ”

“ Leo, bibigyan kita ng panahon para mag isip nang maayos. Gusto ko maging buo muna desisyon mo, gusto ko piliin mo kung anong gusto mo. Hindi kita pipigilan. ”

“ per— ”

“ wala nang pero-pero, piliin mo kung anong gusto mo. At kung anong nararapat, lalo na sa case natin ngayon. Kung ako o ang priesthood, Leo you can only choose one. You can't always choose both. ”

“ …sige, at kung ano man ang piliin ko. Sana walang masamang mangyari sa'ting dalawa. ”

“ ayun rin ang hinihiling ko Leo, at kung pipiliin mo mang mag seminaryo. Tatapusin natin ang relasyong 'to nang walang hinanakit sa'ting dalawa. ”

“ … ”

“ Leo, kung natatakot kang mawala ako sa'yo.. Paano pa ako? Paano pa ako na lumaking maraming pag kukulang sa buhay.. ”

“ … ” hindi parin umiimik si Leo, tila ba nahihirapan siyang mag desisyon.

“ Choose what your heart wants, choose what you think it's best for you. I will never stop you, kase buhay mo 'yan at desisyon mo ‘yan. ”

Lumabas ng kwarto si Leo at pumunta sa kwarto naming dalawa.

Samantala, ako nama'y humiga nalang at nag muni-muni muna. Iniisip kung paano na ang mangyayari sa'kin kung mag seminaryo si Leo, makakahanap pa ba ako ng papalit sa kaniya?

Alam ko namang ilang beses na sinabi ni papa na nandito siya para sa'kin pero.. bahala na, it's his decision after all.

Makalipas ang halos kalahating oras, narinig kong bumukas ang pinto. Hindi ko na tinignan kung si papa ba or si Leo, o kung sino man. Bahala na, i don't care about everything at this moment of time.

SEMINARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon