Ang init! Summer na talaga.
Kagigising ko pa lang at magaalas-tres na ng hapon.
“Haaayyy…”
Paglabas ko ng kwarto, si Papa tulog na, pero huwag na huwag mong papatayin ang tv! Dahil ang laging rason nun…
“Ba’t mo pinatay? Nanonood pa ako!”
Kahit parehong mga talukap ng mata niya ang nakababa na.
Si Mama naman, nagbabasa ng magazine.
-_-
Katamad…
Naginat-inat ako habang papunta sa kusina at binuksan ko yung ref.
“Walang makain.” sabi ko.
Literally, ang ibig sabihin ko ng “WALANG MAKAIN” is …
May pagkain nga, kaso hindi ko naman gusto.
Naligo ako at nagpasya na pumunta sa café malapit sa bahay namin.Tutal malapit lang, nilakad ko na lang…
Sinuot ko yung paborito kong dress at black heels na parehong bigay ng bestfriend kong si Sophia.
Pagpasok ko sa café, sakto! Wala masyadong tao kaya ramdam ko yung lamig na galing sa aircon. Agn sarap! Tinignan ko yung menu, nakakahilo, ang taas kasi ng pagkakalagay eh. Umupo na lang ako at humingi ng menu book.
Hmmm…
“Waiter! Isa ngang iced tea tyaka itong Carbonara nyo...”
“Ok ma’am. Yun lang po ba?”
Tumango ako at naghintay.
Sorry kayo, hindi ako mayaman para bumili ng kaek-ekan na kape na pare-pareho lang naman din ang lasa.
…
I looked to the right.
Nakaupo sina Joed at Christian. Engaged na sila, at isa ako sa magiging abay nila. “Maricel!” she waved and I nodded.
I looked to the left. Walang nakaupo. Nagisip-isip ako kung lilipat ba ako ng school na pinapasukan. Sobrang taas kasi ng fee, bukod pa yung mga ibang babayaran. Nabalik ako sa ulirat at hindi ko namamalayan na , nakatitig pala ako kay Travis. He lives just a couple of blocks away from my beloved home. Matagal ko na siyang nakikita, and a lot of times na akong pilit gustong magpakilala sa kanya pero… nakakahiya talaga eh. I want to know him more. Siguro naman, kilala na niya ako dahil kaibigan niya rin si Sophia.
Palinga-linga din siya then, natigilan siya nung nakita niya akong nakatitig sa kanya.
Tumango siya… Tapos nagsmirk.
He said, “Hi.” Di ko narinig pero nakita ko yun mula sa buka ng bunganga niya.
Hinaplos-haplos niya yung buhok niya.
Ehmehged! Is he trying to flirt with me?
Naku naman! Wag naman siyang ganyan, alam nyo namang, ehem, madali akong magkagusto…
Ako naman, nagcross ng legs, yumuko tapos biglang tingin sa kanya.
Oh my! Nakatingin din pala siya sa akin.
Lord! I think…this is LOVE AT FIRST SIGHT!
Something had spark inside of me. Pero hindi ko na ulit pinakiramdaman.
“Lord… Wag muna, wag muna po. Study muna! Wag ngayon. Bagsak ako last sem. Wag muna…. “
.
.
.
.
.
.
Inusod niya yung upuan niya at iniharap sa akin.
“Pero kayo bahala kung siya na talaga… ♥~♥”
Dumating yun waiter, dala yung order ko.
Uminom ako ng icetea then, he was staring at me. Inayos-ayos ang kwelyo at hinawakan ang baba niya. Ehem, hindi siya tumitingin sa iba. Maya-maya dumating na din yung order niya.
Tinaas niya yun at parang sinabi na, “Cheers!”
Humigop siya ng kape at nakakatuwa dahil yung froth ng cappuccino niya, nanatili dun sa taas ng mouth niya, ahay! Para tuloy siyang may bigote… So cute ^_^
Inikot-ikot ko yung tinidor then I ate my Carbonara. Patuloy pa rin siyang nakatingin sa akin.
First time kong makaramdam ng ganito.
“Is this love?” tanung ko pa sa sarili ko.
Pinalo-palo niya yung lap niya, tapos nagkuyakoy.
-_- Panget na habit, pero sige! Ok lang yun.
Habang nakatingin ako sa kanya, napapakagat siya ng labi.
O_O Awkward but.. I like that.
“Waiter! Follow up ko lang yung isa kong order.”
Ang sexy ng boses niya.
“Sir eto na po.”
$_$ P1000 ba naman ang ipambayad, GALANTE!
Tumayo siya at ako naman, inayos ang upo.
*lub-dub lub-dub*
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Mukhang ibibigay niya sa akin yung slice ng cake na inorder niya. Inayos-ayos ko yung buhok ko, pinunasan ang labi at..
Ayan na, malapit na siya.
Eiiihh!!! Natatae akong ewan!
Excited at papampam ako kaya nauna na akong bumate,
“Hi! Ako si Ma-“
Hmmm..
Ngusong-nguso na ako ha!
Nilagpasan niya lang ako.
Nanggagalaiti, tumalikod ako para makita siya.
Shet.
“Hi… Kanina ka pa dito? Slice ng cake oh, sssa’yo na lang… You know, you’re cute ha..”
…
Mukhang uusok yung tenga ko…
Naningkit ang mga mata ko.
Nakayuko ako at onti na lang feeling ko SASABOG NA AKO…
Teng ene leng.
Arghhh…
BWISET!
We share a common quality.
BAKLA ampots.
Di ko na inubos yung pagkain ko.
Nawalan ako ng gana.
Haayyy….
“Thank you Lord ha! Binigyan nyo ako ng KALIWANAGAN NG PAG-IISIP!”
Walk-out na ako.
Pahiya lang ako e.
Bwiset.