Andrius
Pagkatapos naming mag-usap inaya niya ako sa bahay nila. He told me that his parents wants to see me. Pumayag naman agad ako dahil alam kong nag-alala rin sakin ang mga magulang niya.
Alas sais nang makarating kami sa bahay nila. Isang oras pa kasi kaming nag-usap sa loob ng kotse niya bago niya sabihin sakin na gusto akong makita ng mga magulang niya.
“Mom‚ I’m home” Malakas na sambit ni Cassian. Wala sa sala ang mga magulang niya.
“Oh hi‚ anak. What brought you here—” Hindi na natapos ni Tita Luciana ang sasabihin niya nang makita niya ako. Bumakas agad ang gulat sa mukha niya‚ napatakip pa siya sa bibig habang nakatingin sakin na may gulat na tingin.
Ngumiti ako ng tipid–nahihiya. Kumaway ako.
“Hello po” Bati ko sa kaniya‚ pero hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Tinignan ko si Cassian ng nagtataka. He just shrugged his shoulders. Natawa ako nang mahina.
“Oh my God! Oh my God! Andi?!? Oh my God!” Ito lang ang hindi namana ni Cassian kay Tita. Ang pagiging OA.
Bago pa ako makapagsalita naramdaman ko na lang na nakayakap na siya sakin. Ginantihan ko ang yakap niya.
“Thank God you’re fine” Sambit niya habang nakayakap sakin.
Ngumiti ako nang kumalas siya.
“Honey‚ Why are you shouting?” Nagtataka ang boses ni Tito pero nang makita ako ay mas nagulat pa siya lalo.
“Oh God” Iyon ang unang nasambit niya. Kagaya ni Tita Luciana ay lumapit siya sakin at yumakap.
“How have you been?” Gulat man ay nandoon pa rin ang pagtataka sa boses ni Tito. Ngumiti ako sa kaniya.
“I’ve been fine po. How are you guys?” Ako naman ang nagtanong sa kanila. Hinawakan ako ni Tita sa braso at inaya papunta sa kitchen nila.
“We are fine. We were so worried about you. Kulang na lang ay i-report ka na namin sa police as missing person.” Kwento ni tita nang paupuin niya ako. Natawa ako nang mahina. Kahit kailan ay OA talaga siya‚ but I understand her. Nag-alala lang talaga sila.
“How’s your relationship with your parents?” Mabagal ang naging tanong ni Tito. Lahat sila ay tinignan ko muna.
“Okay na po kami ni Mommy‚ si Daddy naman po ay hindi ko pa nakakausap.” Casual na sagot ko. Tumitig pa muna siya sakin bago tumango.
“That’s good na okay na kayo ng Mommy mo‚ at least may mapagsasabihan ka na.” Dagdag niya pa. Tumango lang ako at ngumiti. Nagsimula kaming kumain. Marami silang tinatanong sakin na nasasagot ko naman.
“If you don’t mind me asking‚ What happened to your brother?” Natigil ang akmang pagsubo ko. Hindi agad ako nakagalaw. Expected ko naman na itatanong nila iyon‚ pero hindi ko pa rin maiwasan na magulat.
“You don’t have to answer if it makes you uncomfortable. I am sorry.” Paumanhin agad ni Tito. Umiling ako at ngumiti. Binaba ang hawak na kutsara at tinidor. Malalim na bumuntong hininga‚ tumingin ako sa kanilang tatlo bago tumingin ng deretso kay tito.
“I was 18 years old that time and my brother was 12 years old. Wala sila Mommy at Daddy dahil nasa trabaho‚ kaming dalawa lang ng kapatid ko ang naiwan sa bahay kasama ang mga maids. My brother told me that he was bored‚ I asked him kung anong gusto niya gawin nami. He told me na pumunta kami sa mall‚ so I brought him at the mall. Naging maayos naman po kami habang nasa mall kami‚ we had fun. Hanggang sa nagyaya na po akong umuwi kasi mag gagabi na rin‚ ayaw pa ng kapatid ko. Hindi kami nagkasundo‚ pero wala siyang nagawa kasi ako yong mag d-drive ng kotse. Habang nasa byahe kami galit na galit siya sakin‚ nagkakasagutan na rin kami. Spoiled po kasi ang isang iyon.” Mahina pa akong natawa ng maalala kung gano ka-spoiled ang kapatid ko. Mapait akong napangiti habang nakatingin sa platong nasa harapan ko. “Sobrang spoiled niya po‚ sinanay ng magulang ko. Sa sobrang galit niya sakin pinaghahampas niya ako habang nag d-drive kami‚ nawalan ako ng control sa manibela dahil doon. Hindi ko siya sinisisi. Muntik na kaming masagasaan ng truck pero nailiko ko agad‚ pero hindi ko nagawang umilag sa malaking puno. Doon kami naibangga yong kotse‚ I did my best to protect him. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga namin‚ tumama ang ulo niya sa harapan. Nadala pa namin sa hospital‚ he was comatosed. But unfortunately‚ he didn’t survive. He was comatosed for months‚ we thought na kakayanin niya‚ but he didn’t. Simula noong mamatay ang kapatid ko‚ mas lalong nagbago pakikitungo ng magulang ko sakin.” Hanggang doon lang ang natapos ko. Ilang beses ko pang kinurap ang mga mata ko upang hindi tuluyang lumuha.