PS: Hi guys, the timeline is moving quickly because the Martial Law period is very long. I’m researching the issues from that year, with each issue covered in one chapter. After covering all the issue from that year, I’ll move on to the next year. I also want to clarify that the Velasco family is not true, but the other politics mentioned is. Thanks for understanding. :>"
1974
____
"The hosting of the Miss Universe pageant in Manila is a testament to the Philippines' commitment to showcasing its culture, hospitality, and global standing. This event reflects the nation's unity, progress, and dedication to peace and prosperity under the leadership of President Ferdinand Marcos. We welcome the world to witness the beauty and spirit of the Filipino people."
Napahawak ako ng mahigpit sa dyaryo nang mabasa ko ang nakalagay doon.
Magho-host ng Miss Universe ang Pilipinas? Saan naman kaya kukunin ang pondo nila para diyan?
"Gaganapin daw 'yan sa ginagawa ngayong proyekto ng mga Marcos, ang Folk Arts Theater. Sinimulan na raw itong gawin, at nabalitaan ko sa tatay ko na gaganapin daw ang Miss Universe around July." sabi ni Emanuel na siyang nagdadala pa rin ng balita sa amin hanggang ngayon.
Mature na ang boses niya, at halatang pati ang mukha ay nagmamature na rin.
Folks Art Theater
"Anong plano niyo diyan ngayon?" tanong ng isang aktibista, kaya napalingon ako ka'y Emanuel.Wala naman kaming magagawa para mapatigil ang pageant. Hindi kami pwedeng magprotesta para ipatigil yan dahil wala namang patutunguhan dahil hindi kami diringhin ng gobyerno.
"We need to use the attention from the Miss Universe pageant and the journalist to get our message out. Kailangan malaman ng mga tao kung ano talaga ang nangyayari sa ating bansa." sabi ni Emanuel kaya napatango ako.
"Madaming dadalong mga journalist mula sa iba't ibang bansa, kaya alam kong pwede tayong mag-reach out sa kanila." sabi ko at napangiti.
Madali lang magpanggap na manonood dahil magiging open ang bansa para sa mga turista. Madaling maipakalat sa iba't ibang lahi ang totoong lagay ng bansa.
“Pero paano natin malalampasan ang mga security?” tanong ng isang lalaking kasamahan."Kailangan nating maging matalino. Sa tingin ko, pwede nating silang kausapin sa mga lugar na madali silang matatagpuan, tulad ng press area at sa hotel ng mga kalahok." Paliwanag ko.
"Pero mahihirapan tayo diyan; mahigpit ang mga hotel diyan for sure." sabi ni Inday Loring.
"Ako na ang bahalang magplano kung paano tayo makakapasok sa hotel." singit ni Emanuel at huminga ng malalim, halatang may bumabagabag sa kanyang isip.
YOU ARE READING
Martial Law (1972) | ONGOING
РомантикаIn 1972, during the height of Martial Law in the Philippines, society is divided. The government, led by President Ferdinand Marcos, exerts strict control over the country, silencing dissent and imposing curfews. Amid this turmoil, a love story unfo...