Chapter 36

560 18 1
                                    

Trigger Warnings: Attempted rape, sexual assault, and strong foul words were included in this chapter. The author is advising everyone to read at their own risk.

Thirty-Six

THE SOUND OF the bell rings across the whole campus as the clock hits 5:30 in the afternoon. Students flocked the once quiet hallways, eager to go somewhere with their friends, while some just wanted to go straight home and flopped themselves on their beds.

"Pre, hindi ka pa uuwe?"

Napa-angat ang tingin ni David sa kaklase niyang si Ronald. Sandali siyang napatigil sa pagsusulat ng kanyang reflection paper. "Ah, mamaya pa pre. Ipapasa ko pa 'tong reflection paper ko kay Sir Paul eh."

"May kasabay ka ba umuwe? Sina Riley at Sam asan?"

Umiling si David at nagpakawala ng maliit na ngisi. "It's their monthsary. Paniguradong magde-date ang dalawang yun."

Humalakhak si Ronald. "Tamis naman pala. Ba't di ka sumama?"

Napahalukipkip si David at isinandal ang likod niya sa kanyang upuan. "Pass. Baka masungalngal ko kay Riley yung kutsara kapag naglandian sila sa harap ko."

"Hayop ka talaga!" Tumatawang sabi ni Ronald habang isinusukbit ang straps ng bag niya sa kanyang balikat.

"Sige, una na ako. Wag ka magpapagabi dito masyado. Usap-usapan kasi na kapag ala-sais na ng gabi ay may naririnig na sigaw at iyak yung mga ibang estudyante sa bagong tayo na building dito sa school."

Nakaramdam naman ng kaunting kaba si David sa narinig. Doon kasi ang punta niya mamaya dahil andoon ang opisina ni Paul. Saka narinig niya na 'rin sa ibang estudyante ang sinasabi ni Ronald, na may ganoon 'ngang kaganapan na nangyayari sa bagong building.

"Wait, diba doon ang punta mo? Andoon ang office ni Sir Paul diba?"

Kaswal lang na tumango si David. Hindi niya ipinapakita na medyo kinakabahan siya.

Lumaki ang dalawang mata ni Ronald at napatakip sa kanyang bibig. "Gago, pre! Ingat ka!"

"Ang OA, Ronald! Suntukin kita diyan eh." Singhal ni David habang naka-amba ang isa niyang kamay.

Ronald laughed at David's nervous expression. "Basta bilisan mo na diyan. Wag ka na magpang-abot ng ganong oras pre."

"Yes, mom," David said mockingly as he rolled his eyes.

"Tigil! Wala ka 'ngang nanay," Ronald fired back.

Nakanganga siyang tinignan ni David. "Ulol! Ikaw 'nga walang tatay!"

"At least may nanay ako! Ikaw parehas wala!"

Naniningkit siyang tinignan ni David saka kinuha ang crumpled paper na nakita niya at binato iyon kay Ronald. "Tanginamo! Umalis kana, Ronald! Yung bibig mo singbaho ng pangalan mo! Antigas gago!"

Nagkatitigan naman silang dalawa at sandaling binalot ng nakakabinging katahimikan. Kalaunan ay sumilay ang maliit na ngiti sa kanilang mga labi hanggang sa nakita nalang nina Ronald at David ang sarili nila na sabay tumatawa.

Napayuko pa nang kaunti si Ronald dahil sobrang lala na ng tawa niya, habang si David naman ay nakasandal na ng tuluyan sa kanyang upuan at nakahawak sa kanyang tiyan na unti-unting sumasakit dahil sa sobrang pagtawa niya.

"Bwiset! Sige na pre, kita nalang tayo bukas!" Humahangos na sabi ni Ronald habang pinapawi ang konting luha na namuo sa kanyang mga mata.

"Sige na, gago! Bukas nalang tayo magsuntukan," rebat ni David pabalik.

Pinakyuhan lang siya ni Ronald atsaka ito lumabas. Nang tumahimik na uli ang paligid ay nagpatuloy na si David sa kanyang ginagawa. Habang siya'y nagsusulat ay biglang pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Ronald.

Bow & Tuxedo (Opposites Attract #1)Where stories live. Discover now