Nakapag desisyon ang mga magulang ni Banri na magbenta ng mga lupain para lamang makabili ng bagong video game na iyon ang "Fantasy World of Grimland" na sa tingin nila ay makakatulong kay Banri upang magkaroon ito ng normal na buhay.
"Pa, ayos lang po... 'wag na ninyong bilhin yung video game na yun," Saad ni Banri.
"Ano ka ba anak, kung yun ang paraan para maging masaya ka at maranasan mo ulit ang makapag lakad, kahit maubos pa ang ari arian namin mabili lang yung laro ay gagawin namin,"
Masaya si Banri dahil sa labis labis na suportang binibigay sa kanya ng mga magulang niya, at labis siyang nagpapasalamat sa mga ito, pero labis naman ang panghihinayang niya sa isang bilyon para lamang sa laro.
Kaya naman nagdadalawang isip parin siya at naiisip niyang 'wag na lang silang bumilibng larong iyon.
Kinabukasan, araw ng release ng laro gaming market. Ay biglang nag announce sa website ng game na ang lahat ng may kapansanan na manlalaro ay libre lamang nilang ipapamigay, kailangan lamang mag present ng PWD ID para sa katunayan na PWD ang isang manlalaro na mag a avail sa laro. At tanging mga manlalaro na walang kapansanan ang magbabayad ng isang bilyon.
Tuwang tuwa si Banri, gustuhin man niyang magtatalon talon sa tuwa ay di niya magawa dahil sa kapansanan niya kaya niyakap na lang niya ng mahigpit ang Papa niya, tuwang tuwa din ang Mama ni Banri, masaya ito para sa anak niya.
Kaagad silang nag asikaso sa kanilang mga sarili, para pumunta sa gaming market at makapag avail sa laro. Ayun sa website sampung libong video game ang ipamigay nila ng libre sa mga may kapansanang mag a avail sa araw ng release ng game.
"Anak, sigurado ka bang sasama ka? Baka mainip ka lang doon. Dito na lang kayo ng Mama mo, kasi siguradong mahaba ang pila niyan," Saad ng Papa ni Banri.
"Ayos lang Pa, gusto kong pumunta doon eh, tsaka excited na kasi ako."
"O'siya sige kung yan ang gusto mo, tara na," saad ng papa ni Banri at tinulak na ang wheelchair niya papunta sa garahe, kaagad siyang binuhat ng Papa niya papasok sa kotse nila.
At tinupi naman ng mama niya ang wheelchair niya saka inilagay ito sa compartment ng kotse.
"Mag iingat kayo ha," Saad ng Mama ni Banri.
Atsaka pinaandar na ng Papa ni Banri ang kotse at nagtungo na sila sa gaming market. Nang makarating sila sa Building ay sa labas pa lang ay mahaba na ang pila, marami ang mga may disabilities ang nandoon kasa kasama ang mga guardian nila.
Ibat ibang tao na may ibat ibang kapansanan din ang naroon.
Maryroong epileptic patient, may bingi, pipi at bulag, may mga PWD din na putol ang paa, kamay at kung ano pang parte ng katawan. At sobrang dami, bigla ay nagkaroon ng pag asa si Banri para sa sarili niya at para sa mga kapwa niya may kapansanan.
Labis siyang nagpapasalamat sa kaloob looban niya sa mga taong gumawa ng laro at maging sa suporta ng gobyerno para lang ma release yung laro.
Ilang oras ng nakapila sila Banri at ang Papa niya, pero sobrang haba parin ng pila.
"Pa, baka pagod ka na... O nagugutom kain ka muna Pa," Saad ni Banri sa Papa niya na ilang oras ng nakatayo sa pila.
"Ayos lang ako Banri, ikaw baka nagugutom ka na, teka sandali maiwan muna kita dito sa pila, bibili ako ng makakain mo," dahil gutom na rin si Banri ay di na siya tumangii pa na bibili ang Papa niya ng pagkain.
"O sige Pa, nagugutom na rin po ako,"
"Sige maiwan muna kita, itulak tulak mo na lang yung gulong ng wheelchair mo pag medyo umusad ang pila." At tumango naman si Banri bilang pag sang ayon.
BINABASA MO ANG
Log In To Fantasy World Of Grimland
FantasyNawalan ng pag-asa si Banri Tatsuya matapos magkasakit ng isang bihirang kondisyon na nagdulot sa kanya ng pagkalumpo mula sa baywang pababa. Na kung tawagin ay "Multifocal acquired motor axonopathy" Mula sa pagiging isang atlet ng track and field...