(C13)

9 1 0
                                    

"Sino 'yon?" sambit ni Kaya habang punas punas ang basa niyang buhok.

"Hindi ko rin alam e, baka si Lacey." sagot ko.

"Lakas naman ni Lacey, nabuhat ka." sambit muli ni Kaya.

Ewan ko, basta!

Lacey's POV

Mabilis kong inalis ang frog costume ko at inilagay sa labas ng tent namin, ugh! My shoulder hurts.

"Good night, Lacey!" malambing na sabi ni Yehirah.

"U-uh.. Good night."

{MORNING}

Kuro's POV

Nagkatitigan lang kaming lahat sa isang table. Tangina, bakit parang ang awkward nilang lahat sa isa't isa?

"Okay, okay, Let me break the silence!" full english na 'yan ha, baka hindi pa kayo magsalita. Tignan ko lang.

"Puwede bang tumahimik ka muna, Kuro. Aga aga e!" pagsita naman sa akin ni Craeji, hmph.

"Alright, everyone your breakfast is on the way! My apologies for ruining the game yesterday night... Well, I shouldn't be apologizing, No? The rain should! ... Joke! Have a very nice meal, Everyone." Malakas na enerhiyang sambit ni Captain Loy, grabe!

Nami's POV

"Lacey, Thank you pala." ani ko kay Lacey, umupo talaga ako sa tabi niya para magpasalamat sa ginawa niya kagabi.

"Ha?" lumingon siya sa akin at para bang nalilito sa sinabi ko.

"Ang sabi ko, Thank you! Ano ba 'yan, ang lapit lapit na natin oh."

"Uh, Duh! Rinig ko ang sabi mo, pero hindi ko kasi maintindihan, bakit ka nag T-thank you sa 'kin?" kumukunot noong tanong ni Lacey.

"Gosh, tigil tigilan mo ang paghihithit ha!" dagdag pa nito.

Ano?

"Hoy! anong nag h-hit— tsaka anong hindi mo ma gets? Tinulungan mo ako kagab—" hindi natuloy ang sinasabi ko nang sumabat si Knox.

"Guys, let's have our breakfast first. Mamaya na 'yan." sambit nito.

Kainis!

Craeji's POV

Magiging statwa na ata ako rito sa kakaupo, kanina pa kasi nakasandal si Nami sa balikat ko. Parang natutulog e, hays kung hindi lang ako mabait.

Nilalanghap ko pa ang simoy ng hangin ng makita ko sa 'di kalayuan si Knox na may kausap na...

"Babae?!" sigaw ko at biglang tinakpan ni Nami ang bibig ko.

"Ingay mo." ani pa nito.

"Siraulo? akala ko natutulog ka!" 'tong babae na 'to, hindi ko na talaga matansya.

"Oo. Kanina ko pa nga sila tinitignan."

"Hindi ka man lang nagsalita?!"

The 13 PetsWhere stories live. Discover now