Cyrus' POV
"Uuuuhhhh..."
Hindi makasagot si Red sa tanong ko. Ni hindi nga siya makatingin sa akin nang diretso. Kahit naman hindi niya na sagutin eh alam ko na meron. Manhid lang talaga yang si Sabine. Ewan ko nga ba doon sa babaeng yun. Wala man lang crush. Oo nga meron pero puro artista saka mga koreanong kumakanta ng Ring Ding Dong. Minsan ko na ding tinanong kaso wala naman akong nakuhang matinong sagot. Kahit nga yung kapitbahay naming mas pogi lang sa akin ng isang paligo eh hindi niya daw naging crush kahit kelan.
"AHAHAHAAHAHAHAHAHA"
Tumawa ako.
"Huh?"
"Joke lang Red. Hindi mo naman kailangang sagutin. Niloloko lang kita. Sige alis na ako."
Yumuko naman si Red. Baka nag-iisip ng mabuti. Naglakad na ako paalis. Mamaya biglang magbago ang isip at biglang sumagot.
"Teka lang, Cyrus."
Humarap ako sa kanya.
"Bakit?"
"Aaa..."
Tumingin siya sa malayo.
"Hindi mo ba kilala kung sino yung taong gusto ni Sabine?"
"Kilala ko."
"WEH?"
Halatang nagulat siya. Syempre kilala ko! Bespren ko yun eh.
"Sino?"
"Bakit ko naman sasabihin sayo?"
"Sabihin mo na. Kilala ko din kasi."
Ano? Kilala niya? Paano naman niya nakilala? Sinabi sa kanya ni Sab? Sabagay hindi naman katagu-tago yung bagay na yun.
"Basta ang alam ko hindi ikaw yun."
Biglang nanlaki yung mata niya. Sorry naman. Alam ko naman na hindi talaga siya yun.
"Alam ko naman yan. So sino nga?"
Sus.
"Sino pa ba? Eh di si Chris Tiu! Kulang na lang maglagay siya ng altar ni Chris Tiu sa kwarto niya. Sinasamba niya yun eh."
"Ppppfffttt.."
"Ano naman ang nakakatawa?"
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
Bigla siyang tumawa ng malakas. Tawa siya ng tawa. Nakakahiya sa mga taong makakakita sa amin.
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Mag-walkout kaya ako?
Tsk. Pang bading, wag na lang.
"Problema mo?"
"Ahahahahaha. Wala lang naman. Natatawa lang ako."
"Pang baliw lang yang sagot mo."
"Siguro nga nababaliw na ako. Ahahahahaha."
Tawa pa rin ng tawa ampotek. Sikmuraan ko na ito eh.
Joke.
"Hindi ba si Chris Tiu yung gusto niya? Si Enchong Dee ba?"
"HAHAHAHAHAHAHAHA"
Lalong lumakas yung tawa niya. Pota. Naiinis na ako.
"Hindi mo pala kilala. Nakakatawa kayong mag bespren. Sabagay paano mo naman malalaman. Nakakatawa talaga. Sinubukan mo na bang magtanong?"
"Oo naman. Yun yung sagot niya."
"Naniwala ka naman?"
Hindi. Well, yes naniniwala ako na crush niya talaga si Chris Tiu pero syempre iba pa rin yung taga-diyan lang saka kilala mo personally.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?