POB4

56 12 2
                                    

I froze. It sounds too strange for me, so I asked him again. 

"What?" kunot-noo kong tanong.

"Ikaw ano bang gusto mo?" balik niyang tanong.

"I want a boba, pero ikaw ang tinatanong ko kung anong gusto mo." halukipkip kong sagot.

"Ano? Boba? Gusto mo ng boba? Ayaw mo sa bobo?" he laughed at his own joke.

I looked at him flatly. Unti-unti na namang naiinis.

"You're so corny."

Natigil ang pagtawa niya na parang may sira sa utak dahil sa sinabi ko.

"Kj! Tara na nga, saan ba tayo makakabili niyan banda dito?"

Oh, so he want boba too, instead of tempura and fishball. Kaya itinuro ko sa kaniya ang daan patungong shop ng bubble tea.

We crossed the street while I'm leading the way. Naramdaman ko naman siya sa likod ko, kaya alam kong nakasunod lang siya. 
 
Pero hindi ako mapakali. Para siyang bodyguard na nakasunod sa akin. He's like an alpha towering me from behind. Kaya tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya na natigilan din. 
 
 
"Ano?" taka niyang tanong.

"Pumantay ka nga sa'kin sa paglalakad. Para kitang body guard niyan, I'm not comfortable." sabi ko.

Pero no'ng pagpihit ko paharap ay may muntik na akong mabunggo na babae, buti nalang Cj grabbed my arms closer to him, kaya naiwasan ko ang babae.

"Oh! Naka tank build ka ba? Tumingin ka sa dinadaanan mo, Meo."

"Ang babaeng 'yon ang hindi tumitingin sa dinadaanan, noh." masama ang tingin ko sa babaeng papalayo na.

I heard him chuckled. "Naninisi pa,"

Inis ko siyang nilingon. "Kinakampihan mo ba ang babaeng 'yon? Bakit? Ex mo 'yon, noh?"

He laughed. "Wala akong ex, Meo. At higit sa lahat, mukhang nanay na 'yong babaeng tinutukoy mo." he shook his head as he suddenly held my arms with him.

Dinala niya ako sa paglalakad habang parang naka-akbay siya sa akin. Napatingin ako sa kaniyang kamay na nasa braso ko at mukhang napansin niya iyon kaya binitawan niya ako.

I heard him cleared his throat as he distance himself from me. Nauna siya at pinagbuksan niya ako ng glass door ng shop pagkarating namin.

I looked around as I proceeded to the counter. Nakasunod si Cj sa akin habang may kinakawayan na lalaki na may kasamang babae sa kaliwang bahagi na nakilala pa siya.

They look like a couple.

I looked at their menu when Cj behind me spoke.

"Anong gusto mo?"

"This one, honey." turo ko sa bubble tea na flavor.

"Okay honey, then." he laughed, at may ibinigay siya kaagad na cash sa babae na nasa counter na ikinalaki ng mga mata ko.

Huli na para bawiin ko iyon dahil naabot na ng babae. Naisahan ako.

"Hey, ako ang manlilibre, diba? Bakit mo binayaran?" gusto ko siyang hampasin.

Ililibre ko nga dapat siya para hindi na ako ma-guilty. Siya naman ang nagbayad. Barumbado talaga.

"Ilibre mo nalang ako sa susunod, Meo." then he playfully winked at me as he chuckled.

Umirap ako sa kaniya at tumalikod para maghanap ng upuan. Pagkaupo ko, dala na niya ang boba ko at ang kaniya.

Matcha ang sa kaniya at honey milk tea naman ang akin. Inilapag niya sa harapan ko at sumisipsip na siya sa kaniyang matcha nang umupo sa aking harapan.

Presence of Bliss Where stories live. Discover now