One

180 10 0
                                    

C h a p t e r O n e

And we live unhappily ever after. I guess the phrase 'Happily Ever After' exclusively belong to fairytale stories.

Being an international idol is really hard. You'll need to forget your connection to the real world and vice versa. I guess that's how it works.

"HOO. Kim Taehyung! BTS!" V hyung started playing and chanting out loud like a crazy kiddo.

"Shut up V! Ang ingay mo, kelan kaya mawawala ang kiti-kiti sa katawan mo?" hindi na napigilan pa ni Jin Hyung at inawat na si V Hyung na pinag-lalaruan ang ARMY bomb na ginamit sa performance namin kanina.

We've just finished our follow-up performance. Masayang marinig na ang daming nagchi-cheer sa inyo. Ang hirap na ibinibigay ng bawat Army sa amin ang tanging nagbibigay sa 'kin ng dahilan para magpatuloy.

"Hyung! Hyung wala ka naman sa timing e. Pag-talon ko, dapat lalabas ka na" sabi ni Jimin kay Hobi Hyung na nag-vivideo sa Snow.

"Alam ko naman! Tandaan mo 'to Jimin, jamless ka pa din! Haha" dahil sa pang-aasar sa kanya ni Hoseok hyung ay biglang nag-walk out si Jimin at lumapit na NAMAN sa akin.

"Jungkook tayo na lang ang mag-selca" ngiting asong binuksan niya ang camera at tinutok sa harap namin. At dahil mabait ako this past few days, pinagbigyan ko si Hyung.

"Okay. BTS you've done a good job! Napaka-taas ng sales and votes ng album ang comeback nyo.  Alam kong mahirap ang mga ginawa nyo kaya magsaya muna kayo, for a vacation. Pack up your things, magpahinga na kayo ngayon" sabi ni PD-nim at umalis na muli ng dressing room na nakalaan sa amin.

Agad namang kumilos ang lahat at nilinis na ang mga personal belongings nila.

***

Andito na kami sa dorm, kanya-kanyang higa kaming lahat. Si Rapmon Hyung ay nakaupo sa isang tabi, suot ang earphones at tahimik na nanunuod sa cellphone nya.

Si Suga Hyung naman ay hawak ang ballpen nya, nakapikit. Akala ko nag-iisip lang sya ng isusulat nya, pero ng narinig ko syang humilik hindi na ako nag-abala pang lumapit. Kung ayaw mo pang mamatay, hindi mo sya susubukang gisingin.

Nang tamaan na ako ng antok, napag-desisyonan ko ng pumunta sa higaan ko. Medyo katamtaman lamang ang laki ng bawat kwarto namin.  Kasama ko sa kwarto si Rapmon hyung kaya't ako lamang ang nandito sa kwarto ngayon.

Humiga na ako't napaisip. Bakasyon, gaya ng dati lahat kami babalik sa mga lugar namin.

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi pa ako nakakatulog. Himala na kung himala. Dahil na din dito ay tumayo ako at pumunta sa kusina. Nakita ko si V hyung at Jimin na kumakain ng ice cream. Nagtatawanan silang dalawa dahil pareho na silang may ice cream sa mukha. Napatigil sila ng mapansin nila ako.

"Ya. Jungkookie, gusto mo? Binili 'to ni Hobi Hyung. Nagpunta lang sya saglit sa banyo." sabi ni Jimin sa akin.

"Tatanggihan ko ba naman yan?" lumapit ako sa kanila at kinuha ang kutsara ni Jimin sabay subo ng ice cream.

"Nakita mo na ba MV natin? Haha. Dope!" sabi ni V hyung, sabay naman ng paglabas ni Hobi hyung sa banyo.

"Ang tanong, nakita nyo ba reaction video namin ni Jimin sa music video natin. Haha, si Suga hyung! Haha" lahat kami nagtawanan, ang lakas talaga makapang-asar ni Hobi hyung.

"By the way, okay lang bang babalik ka sa inyo Kook? I mean, alam namin ang tungkol sa kanya."

"Hindi ko alam. Tama naman sya e, pinili kong sumikat kesa manatili sa kung ano ako noon. Masama bang mangarap Hyung?"

Nagtinginan sina Hyung sa isa't isa. Alam nila ang bigat ng dinadala ko, ang sakit lang kasi ng mga sinabi nya sa 'kin. Parang ipinamumukha nyang wala akong mapapala, lalayo lang ako sakanila... sa kanya.


***

Ngayon ang araw na kailangan na naming sulitin ang bakasyong meron kami. Babalik muna ako sa amin, siguradong matutuwa si Mama.

Nandito na kami sa labas ng dorm. Dala ang kanya-kanyang maleta.Lahat masaya... maliban sa 'kin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa pagbalik ko.

"Jungkook, sana pagbalik natin dito masaya ka na. Sana maayos nyo na ang hindi nyo pagkakaintindihan" sabi ni Jin hyung at tinapik ang balikat ko.

"Aye! So it's a good bye guys" sigaw ni Jimin habang nag-uunat.

"For now. Hahaha, babalik pa tayo! Dahil hindi ko kayang tiisin ang ARMY. Alam kong mamimiss nila ang cuteness ng isang Kim Taehyung"

"Ako, baka hindi ako masyadong makapag-update sa twitter. Alam nyo naman na mahina ang signal kayna La." sabi ni Hobi Hyung

"Mukhang mabibingi ako sa makakasabay ko pabalik ng Daegu" tumingin si Suga hyung kay V hyung at napa-buntong hininga.

"Ano?" Inosenteng napatingin si V hyung sa aming lahat.

Sana nga pagbalik ko ulit dito sa Seoul, kasing saya ko na silang lahat. Tiningnan ko sila isa-isa, bawat isa may kanya-kanyang character. Hahanapin ko ang para sakin.

"Bangtan!" sigaw ni Leader Mon

"Bang Bangtan!" tugon naming lahat as we said our farewells.

Ang grupong tumulong sa akin para maabot ko ang mga pangarap ko at ang grupong tumutulong para maibalik ko ang nawala ko. Yan ang BANGTANSONYEONDAN.

SofaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon