𝐓𝐢𝐭𝐥𝐞:𝗠𝗶𝗿𝗼𝗿-𝗺𝗶𝗿𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗸𝗼
𝐆𝐞𝐧𝐫𝐞:𝑯𝒐𝒓𝒐𝒓
𝑾𝒓𝒊𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒃𝒚 𝒀𝒂𝒓𝒂𝒕𝒉𝒆𝒘𝒂𝒗𝒆Salamin sa umaga salamin sapagsapit ng gabi?
«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»
Ang ganda ko talaga, walang labis walang kulang. Hindi nakakasawang tingnan ang muka ko.
"Oras-oras ka nalang ate Estella tumitingin sa salamin,"saad ng kapatid kong inggetera.
Tumingin ako sa kanya. "Bakit ba, sa gusto ko ehh. " At inirapan ko ito.
"Sige ka baka mamaya baka kausapin ka na nyan. "
"Tssk natakot ako," sarcastic kong sabi.
──────⊹⊱✫⊰⊹──────
"Hayyst naka tingin ka na naman sa salamin. "
Tiningnan ko lang ito ng masama, at hindi na pinansin.
"Palibhasa inggit, " bulong ko .
"Ano may sinasabi kaba? "
"Wala, " saad ko at umalis na .
"Estella pumunta ka nga dito! " sigaw ni mama.
Hayyst ano na naman kaya ang kailangan ni mama.
"Bakit po," tanong ko habang abala siya sa paglalaba.
"Bumili ka nga dun ng sabong panlaba at pagkatapos tulungan mo ako dito, kung bakit ba naman wala na naman kuryente? "
"Sige po, " walang ganang sabi ko.
Lagi na lang walang kuryente sa Oriental Mindoro, ginagawang christmas light pa minsan ang kuryente patay sindi.
Nakakainis ayoko pa naman maglaba.
Magagas-gasan ang kamay ko.
──────⊹⊱✫⊰⊹──────
Natapos na rin kami sa paglalaba, nakakapagod ang dami. Kung bakit ba naman isang beses lang sa isang linggo naglalaba. Tapos epal pa yung kuryente.
Nag umpisa kami maglaba ni mama ng alas dose ng tanghali(12:00noon) kaya naman hapon na kami na natapos.
"Lyka nakapag luto ka naba ng kanin? "
"Opo ma, nakapag luto narin ako ng ulam, nakakahiya naman kasi sa isa dyan. "At tumingin ito sa akin .
Abahh at nagpaparinig pa.
"Ohh siya mag si-kain na tayo, " saad ni mama .
At kumain na nga kami. Katahimikan ang bumalot sa aming tatlo hanggang na tapos na kami sa pagkain.
──────⊹⊱✫⊰⊹──────
*11:30 pm*
"Gising ka pa"
"Hindi tulog, kita ng gising pa, " saad ko kay Lyka.
Papunta palang ako sa may salamin na katingin na ng masama si Lyka.
"Bakit ba? " iritadong sabi ko.
"Bahala ka d'yan, pag may lumabas sa may salamin 'wag mo akong sisisihin," saad nito. At umalis na ito.
"Tssk kung maylalabas," saad ko sa sarili ko. Habang hinahawi ang buhok sa may tapat ng salamin.
"Ang ganda ko talaga. "
"Oo maganda ka nga," pabulong nasabi ng kung sino, ang boses ay nakakatakot.
"Lyka! Ikaw ba yan, para sabihin ko hindi ako natatakot. "
Lumingon lingon ako kung lalabas si Lyka pero walang lumabas.
Paglingon ko sa salamin nakita ko ang repleksiyon ko na nakangiti ng nakakaloko sa akin. Hindi ako ngumingiti pero ang repleksiyon ko sa salamin ay naka ngiti.
"Pa... anong,"utal na sabi ko at napa atras ako sa may tapat ng salamin.
"Bakit... maganda ka naman talaga ahh, pero mas maganda kung nandito ka sa lo-" hindi na natuloy ang sasabihin nito.
Sa bilis ng pangyayari nakita ko nalang na binasag ni Lyka ang salamin.
"Ate okay kalang ba" nag aalalang sabi nito.
"O... oo"
Ano yun?
Bakit may tao sa salamin?
"Sabi ko naman sayo diba, hindi ka kasi nakikinig ehh yan tuloy muntik kana makuha nya. "
"Teka kilala mo ba siya."
Na pabuntong hininga ito at hinawakan ang aking kamay. "Tanda mo ba na ibinigay ni lola yang salamin na yan."At tumingin siya sa maysalamin na basag na, "alam mo nakabilin-bilinan ni lola na 'wag mag sasalamin sapagsapit ng gabi, kundi baka may pumalit sa katauhan mo at ikaw ang mapupunta sa salamin."
Nag salubong ang dalawa kong kilay. "Bakit ngayon mo lang sinabi, " parereklamo ko sa kanya.
"Huyy matagal na kitang binalaan no, hindi kalang nakikinig, sinabi pati sa atin ni lola yan kaso hindi ka nga nakikinig! "
"Sorry naman, tara tabi tayo matulog HEHEHE natatakot kasi ako," parang bata kong sabi sa kanya. At tumango na lang ito.
«────── « ⋅ʚ♡ɞ⋅ » ──────»
BINABASA MO ANG
One shot story Collection
NouvellesThis story will give you kilig moment, happy moment, sad moment, fear moment.