Chapter Twenty Two

20 0 0
                                    

After so many years nakapag update din! lol. Hindi din pc gamit ko kaya yung flashback pagpasensyahan, ieedit ko na lang soon. 

---


Twenty Two 



Ito kami ngayong apat, naglalakad papuntang cafeteria dahil lunch break na at katulad ng napagkasunduan namin ni Xyrus kahapon, ililibre niya ako ngayon. 




"Ano sa inyo?" Tanong ni Xyrus sa amin.




"Sa akin, burger and mountain dew lang." Sabi ni Sab.




"Ganun din yung akin." Sabi ni Cooper. Hindi ko alam pero parang hindi bakla 'tong kasama namin- nako Ella, gutom lang 'yan!




"Ito yung bayad ng sa amin ni Sabrina." Sabi pa nito at inabot kay Xyrus.




"Sige bro." Sabi ni Xyrus at tinanguan pa ito tsaka ako binalingan.




"Ella tara, samahan mo ako. Sige ka baka maagaw ako ng iba dyan, ikaw din." sabi nito at ngumisi pa sa akin. 




"Okay lang, ibibigay kita ng buong-buo." Sabi ko dito. Sumimangot lang ito at nauna ng maglakad.




"ano yung iyo?" Tanong nito sa akin ng makarating na kami ng tuluyan sa pila.




"Burger, fries, strawberry ice cream tsaka mountain dew." sabi ko.




"Yun lang?" kunot noong tanong nito sa akin.




"Oo, yun lang." Sagot ko.




"Sure? Hindi ka manlang kakain ng kanin?" Tanong ulit sa akin nito.




"Yun nga lang, ang kulit mo naman talagang nilalang Xyrus Red Sandoval." Sabi ko dito sa buo niyang pangalan. Tumango lang ito at nag "okay." Tapos ay hinawakan pa ang kamay ko habang hinihintay ang sunod namin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AbnormaLove (abnormal love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon