001

10 0 0
                                    

Jastin

"Ay naku sinabi mo pa!" Sambit ni Kat sabay bukas ng Pier 28 na tsitsirya na nakalapag sa coffee table.

Nakaupo kaming apat sa sahig nitong living room ng condo ng kambal, si Isay at Sabby.  Gumagawa kami ng report sa Earth and Life Science. Actually, itong report na 'to ay sa ami  lang ni Sabby.

Habang nag e-encode ako sa laptop ay panay naman ang tsismis namin tungkol kay Cassandra. Grade 10 student, pero marami ng experience.

Hindi naman kami sa nagmamagaling o mga feeling perfect, minsan naman kasi naglalandi kami sa aming mga crush pero di naman katulad nya na sa bawat week  iba iba yung jowa, at ang mas malala pa ay nakikipag ano pa sya sa mga jinowa nya. Basta alam nyu na yan, yung mag aano basta yung ano.  Tinagurian na kaya namin yan na "Https. Men's collector.www. Slut".

Malandi talaga yun!

Idagdag mo pa ang nakakasukang attitude nya!

Makakabigkas ka nalang talaga ng-

Mwoya Shibal!

"Ang sarap isubsob sa basurahan eh!" Si Isay na di na maipinta ang mukha. Nakanguso sya habang binubuksan ang coca-cola.

Ikaw ba naman na malapit ng agawan ng crush di ka ba magseselos. Eh kung ako yan kanina pa ako nakatulala at nagmumukmok here in the corner of the living room.

"Oh, shot ka muna!"

    
Dumating si Sabby. May dalang isang pitsel ng Nestea na nakahawak sa kabilang kamay at maliit na tray na may lamang tatlong baso na babasagin na hawak naman ng kabila na nakadikit sa kaniyang magandang hubog na bewang. Pero di nya ako matatalo. Di nya ako matatalo sa ranking ng may mga magaganda ang hubog ng katawan.

"Itagay mo na lang yan, uy!" Inilapit ni Kat ang maliit na baso kay Isay na ngayon ay nakasandal ang likod sa sofa. Inabot nya naman ito sabay inom. Inilapag nya ito sa coffee table saka pinahid ang bibig.

    

Nakatingin pa talaga sa akin ang hinayupak na ari. Kahit nakatutok lang yung two eyes ko sa laptop nakita ko naman sa aking peripheral vision ang kanyang pagtutok sa aking beautiful side view. Peripheral vision?......Side view?......

" Zianne  Isabella Mercado, 'di kita type sis". Salita ko sabay pindot nung pindot ng control S nang biglang-

"Ba't ang bango ng buhok mo Jas?."

  

Hayop na babaeng to, di ko alam kung paano 'to nakarating dito sa kinauupuan ko. Inamoy amoy pa talaga yung long and wavy hair ko-for entertainment purposes only.

"Sunsilk lang 'to, gaga". Sinave ko na ang powerpoint presentation na ginawa ko tsaka kinuha ang baso na may juice.

"Gaga, ba't di natalab sa akin yung binigay ni Kat?" Nakangusong sabi nya sabay higa sa sahig.

"Baka di mo sinunod yung sinabi ko sa yo?".

   
Nakapamewang na sabi ni Kath na nakaharap sa flat screen TV sabay kulikot don sa remote. Tapos na kaming gumawa ng report namin for tomorrow and wala naman kaming iba pang gagawin bukod dito. So magchi chill muna for tonight then pressure and kaba naman bukas.

"Ano bang sinabi mo?".

"Shake well before use". Si Sabby ang sumagot sabay lapag nung bowl na may lamang funky. Inilagay nya dito para aesthetic daw. French fries ang atake.

High School Series 1: Lotus CaféWhere stories live. Discover now