POB5

51 7 1
                                    


Napaupo ako sa kama nang makita ko kung sino iyon. How did he know my IG?

Bago ko siya I-confirm, I stalked him first. Kuryoso kong cli-nick ang pangalan niya at bumungad sa akin ang feed niya.

Napatitig ako sa profile picture niya. I also clicked it to look closely. 
 
He's smiling charmingly while looking somewhere. It's like a stolen shot while both hands were in his baggy pants pockets. He looks so casual in his brown cardigan. 
 
Napanguso ako. This guy is not that bad kahit nakakainis. 
 

Cjliveros

  15              8k               50
posts    followers   following

Cj Liveros

👀

My brow arched at his bio. What's with the emoji? Ang random naman. May collections din siya. I viewed it too and saw his group of friends. Ang isa naman, may dalawa siyang kasama na matatanda. Naka-akbay siya sa mga ito. Parang lolo at lola niya dahil may katandaan na rin ito.

Iyon lang ang nasa collection na iyon at nag scroll pa ako sa mga reels niya. Mga tiktok videos ang mga 'yon na ikinataas ng mga kilay ko kasama ang mga kaibigan niya. Tiktokerist naman pala ang lalaking 'to.

Napanguso ako. Not bad. Malambot ang katawan. Lalo na sa isang recent tiktok video niya na alibi. Nasa left side siya kasama ang dalawang lalaki na siguro mga barkada niya.

Malaki ang ngisi niya habang sinasayaw nila 'yon nang sabay-sabay. Vibing with the song while sticking his tongue out in a charming way as he swayed his hips smoothly in a manly way. Until the end of the song, he laughed together with the two guys he's with and the video cut. 
 
Maraming views at likes sa recent video na iyon at kamuntikan ko ring na like. Hindi ko na namalayang paulit-ulit ko nang pinanood iyon. It's just.. That's quite.. hot. 
 
I shifted on my seat.

Puro mga kaibigan ang kasama niya sa mga video at wala akong nakitang solo tiktok video niya. Ang iba mga lip-synch lang iyon kasama pa rin ang mga barkada niya.

Sa mga posts niya, ang iba doon ay 'yong minodel niya ang department nila, ang Varsity ng University namin siya ang nakapaskil doon. Random lang din ang iba at puro siya at iilan niyang mga barkada. Sunsets and esthetic pictures.

Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang post niyang naka-topless siya. Half body at nakatalikod siya, his lean, perfect build with his sexy back was flashing, and the butterfly tattoo on his nape caught my attention. 
 
He has a tattoo. I clearly see it. Napakagat ako sa pang-ibabang labi at kuryosong zinozoom-in ang picture na iyon.
 
I think the picture was taken by the shore. His caption is a beach emoji. It's really a tattoo, not a random sticker. That's quite attractive. 
 

This guy is really not bad. Such a boyfriend material guy. And over all, he's quite famous. 

Pumunta pa ako sa comment section at nakitang mga barkada niya lang naman ang nirereplyan niya.

Daleortz:  crdt???

Cj replied: Di naman kita inutusang picturan ako diyan kaya bakit kita iki-crdt????

HarryYu: Okay na, na notice na kita pwede mo nang idelete

Cj replied: Ulol

Lyeon Paulsen: ba't nakahubad p're?

Floyd Griffen replied to Lyeon Paulsen: Papansin 'yan

Cj replied to Lyeon Paulsen: tanong mo sa kalahi mong leon

Cj replied to Floyd Griffen:  Snob p're

My brow arched on that reply. I looked at the date kung kailan ang post. Nakita kong medyo matagal na. That was before I met him. Hindi ko pa siya kilala at hindi ko maiwasang bigyan ng kahulugan ang comment at reply na iyon.

Presence of Bliss Where stories live. Discover now