"Pres!!!"
Sa mundong punong-puno ng tao, nakamamanghang isipin na makakatagpo ka ng taong makikita ang ikaw sa mata. Na hindi mag-aalinlangang ipagsigawan sa mundo, kung sino ka sa kaniya. 'Yung hindi ka hahayaang maramdaman na nag-iisa ka.
Sanaol.
"Pres!!!"
At sanaol walang maingay na Sentinel. Haynako.
"Ano?" ani ko.
Ibinaba ko muna ang mga hawak kong papel, ipapabago ko pa 'to kay Cela.
Naghahabol pa si Ian ng hininga pero tumuturo na sya na parang may urgent na malaman, "S-si ma'am.. tawagkapumuntakanarawsaoffice NGAYON NA!"
Dumarating ako sa punto na kinukwestyon ko ang mga desisyon ko sa buhay. Pero napapadalas 'to sa t'wing habol-hiningang pupunta sa'kin si Ian para magsabi ng nararapat na mabilisang aksiyon.
Bago pa man siya magsimulang mag panic at sabihin ang magiging mga resulta ng pagbagal ko sa paglakad, o labanan ang pagrason ko sa kung bakit 'di dapat ako pumunta, ay sumunod na lang ako.
Mabilis na nakuha ni Bianca ang tango ko- agad na naglabas ng phone. Malamang magcha-chat na 'yon sa GC na kailangan ng back-up sa pagdidikit ng posters.
Dali-dali akong naglakad papunta sa Dean's office kung saan naroon ang desk ni ma'am. Hindi ako madalas dito, pero sa t'wing kinakailangang pumunta, parang ... ayaw ko nang tumuloy pa.
"Good morning po."
Binabati ko ang mga nakakasalubong na mga guro, at naggagawad ng tango at ngiti sa mga napapatingin pang iba sa mas malayong mga mesa.
"Kei. May tatanungin ako, anak." ani ni ma'am Aborra.
Umupo ako sa inurong niyang upuang malapit sa kaniya at tumingin sa slide na tinuturo niya.
"October or November na and accreditation. Kindly announce sa GC na magkakaroon ang newly elected officers ng special meeting this lunch, hane?"
"Opo, ma'am." Kinuha ko na ang phone at nagtype ng announcement habang nakikinig sa kaniya.
"Hawak mo na ba ang drive ng org? Kailangang may copy ka ng mga kailangang documents, lahat 'yon importante. Last year, third week ng September ang accreditation pero naprepare na agad lahat ni Nisha. Hindi na kailangang doblehan ng paalala, mabuting bata."
Nginitian ko si ma'am at tumango nang mabanggit niya si ate Nisha, ang president ng org last year. Hindi ko alam kung ang ganitong set-up ay nangyari na rin kay ate Nisha noon, pero hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
"Nai-announce ko na po sa GC ma'am."
Tumango siya habang nagbubuklat ng mga papel na mukhang urgent din. Napakaraming role ni ma'am dito sa school.
"'Yung election po pala next week na ma'am. Nagpaalam na ang mga candidates sa dean tungkol sa mga flyers na ibibigay sa students, at mga ididikit sa classroom. Nag-start na po kaming mag dikit sa mga psych rooms." sabi ko habang dinadama ang sapatos ko saka inayos ang jacket ko'ng kanina'y gusto ko nang alisin.
"Okay. Pakisabi rin sa klase niyo na mag-a-asynchronous tayo this morning, I'll send papers and activities in our google class. Salamat, hane," tugon nya bago ako ako tumayo, ngumiti, tumango at nagkalakad palayo.
Pagkatapak sa labas ng office, naaalala ko kung gaano kainit ang panahon - at kung gaano karaming gawain pa ang natitira sa akin.
Third year na nga pala kami. Dalawang taon na lang, magiging unemployed na ang status. Hindi ko maalala kung kailan ako nagdesisyon maging presidente ng organization ng program namin. Mula elementary hanggang college, hindi nanan ako humahawak ng matataas na posisyon sa kung ano mang sinasalihan ko.
Siguro gusto ko ng thrill.
Tumutusok ang mga graba sa ilalim ng swelas ng sapatos ko. Sa napaka puno na university namin, tatlo lang ang magiging kalaban ng estudyante- pag-akyat sa registrar, sira o maputik na sapatos at..
"Ingat," nag angat ako ng tingin sa pinanggagalingan ng boses.
Si Vonn.
Ang pangatlo.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
Tumango lang ako. Mabilis na naglakad papuntang classroom saka uminom ng tubig. Nagtanong si Ara kung anong nangyari pero umiling lang ako. Bumabalik ako sa ilang segundo na yon.
Sa pagitan ng mga graba at mga dahong dahan-dahang nahuhulog sa daan, bakit nasa gitna tayo?
Well, technically true - and not true. Kasama niya ang tatlo nya pang kasama lagi pero hindi sila counted.
Mula ng pumasok ako sa college, ipinangako ko na sa sarili kong hinding-hindi ako babagsak nang dahil sa isang tao. Sa ilang mga moments na tulad 'non. Dahil ako 'to. Hindi ako pwedeng pumalpak.
Huminga ako ng malalim. Hawak ang paperworks sa isang kamay, at water bottle sa isa pa, pinagpatuloy ko na ang mga gawain.
BINABASA MO ANG
Kei and Adie
FanfictionKeisha is somebody, but a nobody in leadership. And then one day she found herself as the president of her program's organization. Faced with conflicts, challenges, and doubts - she'll find herself at home with a talented lyricist, soulful guitarist...