Kabanata 27

38 2 0
                                    

Mula sa balkonahe ng aking silid ay natatanaw ko ang mapunong bahagi sa labas ng aming palasyo. Napagtanto ko na ngayon na lang ulit akong nanatili dito. Parang kay tagal na nung huli. Hindi ko pa rin maiwasan na hangarin ang makalabas sa tarangkahan ng aming palasyo. Dahil ang bagay na ito ay isa sa aking kahilingan.

Kuryoso ako sa mga bagay na nasa labas. Ano-ano kaya ang mga bagay na aking gagawin sa oras na makalabas ako? Ano kaya ang aking magiging reaksyon? Tingin ko ay halo-halo ito dahil sa labing limang taong gulang ko ay iyon pa lang ang unang beses ko. 

Napangiti ako sa naisip. 

Alam kong malabo pa ito sa ngayon dahil sa mga nangyayari sa Hua Albanzious. Hindi ko naman din kailangan madaliin ito dahil dadating sa punto na magagawa ko rin ang aking nais. Ang kailangan kong intindinhin ngayon ay ang aming misyon.

Hindi maganda ang estado ng Hua Albanzious lalo’t ang mga kaaway ay nagagawang lumabas pasok. Hindi malaman kung paanong nagagawa nila ito gayong mahigpit ang siguridad sa buong Hua Albanzious.

Sa dami nang dapat gawin ay halos hindi ko namamalayan na lumilipas na ang mga araw na malaya kong nagagawa ang aking gusto. Nang hindi nasasaway o nakikitaan man lang ng mali.

Ang aking klase din ay nanatiling tuloy-tuloy kahit pa may mga oras na kailangan namin mag-pulong.

“Prinsesa Cresentia, nais kang makausap ni Lady Remedios. Nasa labas siya ng iyong silid.” 

Nilingon ko si Adina. Bumaba ako sa balustre.

“Salamat, Adina. Ako na ang lalabas sa kanya.” 

Tumango din naman ito at patuloy sa ginagawa niyang pagtutupi ng iilang damit ko pantulog. Paglabas ko ay naroon nga si Lady Remedios. Tila hindi siya mapakali kaya naman nang lapitan ko ito ay nagulat pa siya.

“Nais mo daw ako makausap?” alanganin itong ngumiti. “May problema ba?” 

Hindi naman, Cresentia. Pero kasi… hindi ko makita si Mourad. Uhm, alam mo ba kung nasaan siya? Ilang araw niya na akong iniiwasan. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sa kanyang mali o ano…” 

Nag-tagal ang tingin ko sa kanya. Sa nakalipas na buwang pananatili niya dito ay hindi ko pa rin masasabing kilala ko si Lady Remedios. Ngunit sa kanyang personalidad na aking nakita at natunghayan ay isa siyang matapang at masayahing tao. Ang kanyang personalidad ay parang si Princess Nirvana. Parehas matapang at paninindigan.

Isang magandang binibini si Lady Remedios. Maputi ang kanyang balat. Maganda ang hubog ng katawan kahit natatabunan ito ng tela. At sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang namamagitan sa kanila ng aking pinsan. 

“Hindi ko alam kung nasaan siya, Lady Remedios. May misyon kami na ginagawa kung kaya't nasisiguro kong iyon ang kanyang inaatupag. Isa pa, hindi ba’t ang aking pinsan ang nangangalaga sa iyo? Kaya paanong hindi mo siya makita?”

“May ipinalit siyang magbabantay sa akin. I don’t know his problem. Bigla na lang siyang umiwas at hindi ako pinapansin. Did I do wrong? That’s why, gusto ko siyang makausap.” 

She looks sad and lonely.

“I’m sorry, Lady Remedios. Pero hindi ko talaga alam kung nasaan ang aking pinsan. Dati pa naman ay hindi talaga siya madaling mahanap kahit pa noong wala ka. Hindi ito bago. At isa pa, isa aiyang heneral sa Vebotija.”

Tumango-tango ito. Bigo sa aking naging sagot sa kanyang mga tanong.

“Naiintindihan ko. Thank you for giving me time. I’m sorry at naabala pa kita.” 

Scarlet of Arrows (Book 1)Where stories live. Discover now