_-PoV ni Storm-_
"Iris I miss you!!!" Pagkapasok na pagkapasok ko ng gate yan ang narinig ko. Err, yan ang lalaking ipinagmamalaki nung isang araw na siya daw ang boyfriend ng adviser namin na si Teacher Iris.
"Kyaaaa!! Get off meee!!!" pandidiri ni Teacher Iris. Akala ko ba boyfriend niya tong butler na to? Opo, butler po siya ng isa sa pinakamayamang estudyante dito sa school namin,
Pero syempre, mas gwapo ako.
Ang wild naman ni T. Iris, inuntog ba naman ang ulo niya sa butler.
Ang pakipot talaga ng mga babae. =,=
"WAAAHH Cher ang brutal nyo! Hug lang naman eh! Sama nyo sa boyfriend nyo!'' sigaw ni Tae Hail. Nakisali?
Opo, sa kasamaang palad nakalabas na sya ng hospital kahapon, ang aga nya ngang pumunta ngayon dito eh, naunahan ako.
"Boyfriend?! Di ko yan boyfriend! Bat nandito yan?!"
"Im gonna teach them how to be a handsome butler!" sabi ng butler slash boyfriend slash kinakahiyang jowa ni Teacher Iris.
What the---Naabsent lang ako ng isang araw may ganito na?!
"Ok then! I'll be in the teacher's room." Pero ng makalipas ng ilang minuto imbes na sa teacher's room nagtatatakbo si t. iris sa classroom namin.
Kaya nagsimula nalang ako maglakad. Nakisabay na din sakin sa paglakad si Hail.
"Gwapo ni Sebastian talaga!!!"
"Sino yun?"
"Yung butler ni Pierce! Gwapo din ni Pierce noh? Waaah!!!"Parang engot na kumembot kembot si Hail.
"Eh si Snow?"
"Gwapo din!!!"
"Eh si Storm?"
"Gwapo din!"
Tapos napatigil ng sandali si Hail at tumingin sakin. Nag smirk ako, didipensa na sana si Hail ng may sumigaw,
"Pag nalugi tayo dahil sa pagkasuplado mo di matutuloy ang deal!" Si President Chrisna pala. ISA YAN SA MGA TYPE KONG BABAE SA SCHOOL.
Nanalo pa nga yan ng Miss Bikini eh, Iniimagine ko palang sana ang sexy figure ni Chrisna ng may tumawag saakin,
Si Vice President Josel pala, yan naman ang mukhang shokoy saaming classroom.
"Oh?" Tanong na yan para sakin wag kayo.
"Oh-Oh hin kita dyan eh,"
"Bakit nga kasi?"
"Kukunin ka naming Butler trainee."
"Asa."
"OI! ANINGASA ASA?!! SIPAIN KITA EH! KAILANGAN MONG MAGING BUTLER!!!" Sigaw ng babaeng naka megaphone sakin.
Di naman nya masyadong feel na feel ang paggamit ng megaphone no? Wala ba sa bukid nila yan?
Tinignan ko lang sya sabay kindat ko.
Bigla siyang namula at ang sunod nalang niyang pinagdiskitahaan ay yung Pierce.
Nag-away na ulit sila.
"Ako Ang tinawag ng langit na si Vice President Josel ay inuutusan kang maging butler trainee!!!"
"Kaya pala,"
"Kaya pala ano?"
"Bat ganyan mukha mo"
"Ha?!"
"Nung ipinadala ka dito ng langit naunang bumagsak ang mukha mo, kaya pala." linagay ko ang thumb ko at hintuturo ko sa chin ko tapos hinihimas sabay tango tango na parang may natutunan akong sagot sa math.
"Wala kang pakelam!" Ay, aminado? "Basta sasali ka!"
"Ayoko nga wala akong mapapala."
"Meron!!!"
"Ano?"
"Magiging servant mo ang kahit sino dito kapag pumasa ka!"
"Kahit, Sino?"
"Yup yupz!!!"
"Okay, Make Hail my servant."
"Got it! ^o^V" At umalis na si Josel sa harap ko.
Iniisa isa na kami ng Sebastian the butler.
"Got that people?? Do that to make gals head over heels for ya, oh I mean, para dumami ang customers! ^____^"
Tsk.
Kalokohan. Buti sana kung nalabas toi sa exam eh. Iniisa isa na kami, ang sumunod sa isa ay si Snow,
Hinantay na ang victim, este soon to be customers.
Ang unang nadaan sa classroom namin ay itutulak ng mga ala maids slash girl glasmates ko para mapilitan ang mga biktima, este soon to be customers maging ganap na customer.
Kung di nyo maintindihan,
Ako rin hindi, kaya wag kayo magtanong sakin.
May natulak na ang maids, nasalo naman na siya ni Snow.
"You look weak M'lady, Wanna eat in our cafeteria, or maybe a date with me?"
Si Hail pala ang biktima, Nagblush naman si Hail, T*ina.
"Ui Storm!" sabay kalabit sakin ni Josel.
"Oh?"
"Alam mo,"
"Hindi pa."
"Pilosopo!"
"Ano nga?!"
"Bagay sila no?"
"A-ah..., siguro."
At umalis na si Josel. Ang sarap lang upakan ni Josel. Nananadya ba to?
Parang gusto ko na ngang agawin ang megaphone mula doon sa babae kanina at ipagsigawan na FIANCE KO ANG NILALANDI NI SNOW!
"Hey boy! Your turn! ^____^" Bati nung butler sakin.
"Ah," sagot ko.
At ang nabiktima ko, ay si Ashley.
Bago pa ako magsalita may mabigat na kamay na humawak sa balikat ko, Pagtungo ko kasi nakaupo ako at nakatayo naman ang humawak sa balikat.
(>____>)
May Ash na nakatayo na nanlilisik ang mata at parang mag tratransform maging isang itim na supersayan.
Dahil sa takot, bigla kong tinayo si Ashley at hinara kay Ash. Tumalikod na si Ash at naglakad, sumunod nalang salikuran niya si Ashley,
Ang over protective naman niyang kuya. -____-
BINABASA MO ANG
Si Hail at si Storm... HailStorm???
RomanceIsang arranged marriage between an otaku girlna nainlike sa iba at isang popular guy na ang tanging gusto ay ang linalasap na FREEDOM. At dahil imposible ang pangarap ng guy, mission nyang masira ang nadiscover nyang likelife ng girl. Pero... malay...