Aeron Angeles POV
I just can't believe right now. Sa nakikita kong kasiyahan sa mga mata ni Zeon.
Seriously? Kaka-break lang nila ni Ashley last week. Tapos ngayon, pinopormahan na naman niya si Jerah?
I don't know what or who forced me to do this but, sinundan ko sila.
And they're heading to a resto bar and it's very familiar to me dahil pag-aari nila Zeon iyon.
Hanggang labas lang naman ako. Dahil wala akong balak bumaba dito sa kotse ko at mas lalong wala akong balak magpahalata sakanilang sumusunod ako.
Habang tanaw na tanaw ko sila dito sa labas, sa nakikita ko ay masaya si Jerah.
Napapailing nalang ako at napapangiti ng panghihinayang. Because...
I like her. Pero hindi pala ako ang gusto niya. Kundi si Zeon na dakilang playboy.
Masakit yon para sa akin. Dahil ako ang unang nakakilala sakanya pero sa kaibigan ko siya napunta.
Flashback....
"Pare stay away from her. Huwag siya ang paglaruan mo. And kaka-break niyo lang ni Ashley last week diba? Pwede ka pang makipag-ayos doon." Saad ko sakanya ng makarating na kami sa parking lot.
Dahil hindi naman ako manhid at hindi ako bulag sa mga kinikilos nilang dalawa ni Jerah kanina.
"Haha! What!? Pare nakita mo naman siguro. Gusto niya ako at walang masama doon dahil type ko din siya. At about kay Ashley, siya ang kumalas at hindi ako." Sagot niya at para akong napahiya dahil sa katotohanang sinabi niya.
Iniwan niya ako umiiling. At naiinis ako sa sarili ko dahil bakit ko iyon ginawa! Tsk! Fvck shit!
End...
At kung bakit hindi pa ako nadi-discourage kay Jerah. Ako ang tinatawag nilang pihikan pagdating sa mga babae. Dahil sadyang pagdating sa pag-ibig ay seryosong-seryoso ako at hindi ko ugaling paglaruan ang damdamin ng isang babae.
Ang mga katulad ni Jerah ang iniiwasan ko dahil ayoko sa mga malalandi but to my surprise! Hindi ko siya magawang pabayaan kay Zeon. At parang sinasabi ng puso ko na exceptional siya. Tsk! Ilang araw ko palang siyang nakilala pero iba talaga ang impact niya sa akin.
Pakiramdam ko, unang salita palang na lumabas sa bibig niya that day ay mukhang nahuli na niya ang loob ko.
Funny right? A guy like me, talking about this shits!
Ng hindi na matagalan ng mata ko ang nakikita niyang dalawa na masayang nagku-kwentuhan ay nagdesisyon nalang akong umalis.
_________________
Nandito na ako sa office at as usual, late na naman si Zeon. Tsk!
Pareho kaming licensed Engineer at pareho kami ng kompanyang napasukan.
"Yow! Anong satin ngayon pre?" Istorbo niya sakin habang inaasikaso ko tong gingawa kong plano.
"Wala. Late kana naman. Hinahanap ka ni boss kanina." Ako habang tutok na tutok parin sa ginagawa ko.
"Pare...nililigawan ko na si Jerah. Hanep siya. Ang saya niya kasama." Simula niya.
Hindi ko lang pinapansin.
"First date namin kagabi." Patuloy niya. And fvck! He's annoying me!
Walang salita ay lumabas ako sa opisina naming dalawa at nagpunta sa labas para magyosi na muna.
Para siyang nananadya. Hindi ba siya nakakaramdam na wala akong interest sa mga pinagsasabi niya!?
"Pare ano bang problema? Iniiwasan mo ba ako?" Tsss. Sumunod na naman siya.
"Dahil ba kay Jerah? Pare I like her damn much. Kung nag-aalala ka na baka lokohin ko siya. Trust me pare, hindi ko yon gagawin sakanya. Magseseryoso ako this time." Siya parin. Tsk!
"I already told you. Not her pare. Wag siya. Seryoso? Fvck! Kelan kapa natuto sa salitang yan? Kung magpalit ka nga ng babae mo, parang damit lang e. Pag magsawa ka, naghahanap ka agad?" Ako. At ipinahalata ko sakanya ang pagkairita ko.
"And why are you acting like that? Why very protective to her? Do you like her?" Tanong niya na hindi makapaniwala.
"What if I'll say yes, titigilan mo na ba siya?"
"But she likes me. Ako ang gusto niya at hindi ikaw. Pasensya kana. " yun lang at iniwanan niya ako. Fvck!?
Ngayon lang kami nagka-iringan ng ganito at dahil pa sa babae.
Hindi ako makapaniwala na nagkaka-ganito ako ng dahil lang sa babae!
BINABASA MO ANG
Does FOREVER Exist?
Non-FictionBakit may mga taong iniiwan at nang-iiwan? Bakit may mga taong hindi kayang panindigan ang mga binitawang pangako? Bakit may mga taong madali lang para sakanila ang mag-sawa at sumuko? Bakit ang iba, pilit na pinagpipilitan ang sarili kahit na ito'y...