AndriusNaging maayos ang nagdaang araw. Mas ramdam ko na ang presensya ni Mommy. Nakakasama ko na sila sa tuwing kakain ng umagahan pero wala pa rin kibo si Daddy‚ but it was enough for me. Kahit sa ganoong paraan man lang.
Nagkayayaan kaming magkakaibigan na mag movie marathon dito sa bahay‚ nagpaalam na rin naman ako sa magulang ko. Agad naman na pumayag si Mommy‚ pero si Daddy ay hindi kumibo. Silence means yes ika nga nila.
It’s Saturday. Hinihintay ko na lang sila‚ maaga pa naman. Inaya rin namin sila Cassian at agad naman silang pumayag. Hindi ko lang maiwasan magtaka dahil ayaw ni Zed na pumunta sila Cassian dito.
Nagpaluto na rin naman ako kay nanay Mirna ng mga pagkain para mamayang dinner. Alas singko pa lang naman ng hapon‚ gusto ko lang talaga na pagdating nila ay may kakainin na sila.
Habang wala pa sila naligo na muna ako. Inayos ko ang sarili ko‚ hindi naman pwede na dugyot ako pagdating nila.
Nang sumapit ang 6:30 ay isa-isang nagdatingan ang mga kaibigan ko. Pinakahuling dumating sa mga kaibigan ay si Zed. Ilang minuto lang ay dumating na rin sila Cassian.
Agad naman lumapit si Cassian sakin at humalik sa pisngi‚ natawa pa ako nang umangal ang mga kaibigan ko.
“Tropa time muna‚ set aside niyo muna pagiging lovers niyo.” Nakasimangot na sambit ni Laveign. Nginisihan ko lang siya‚ mas lalo lang siyang inasar ni Cassian nang akbyan ako nito at halikan sa ulo.
“Ito yung ayaw ko eh‚ iniinggit ako.” Si Bianca. Tinawanan lang namin siya.
“Nakakagutom mainggit‚ wala ba pagkain diyan?” Natatawang sambit ni Kiet.
“Meron‚ nagpaluto na ako kasi alam kong mas uunahin niyo lumamon.” Pang-aasar ko sa kaniya. Sinamaan niya agad ako ng tingin.
“Nagkaroon ka lang ng isang Cassian mas lalong sumama ugali mo‚ ah?” Angal niya. Mayabang akong ngumisi at pinulupot ko ang braso ko sa bewang ni Cassian.
“Patingin nga ng label?” Pang-aasar ni Zed. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako.
“Nasaan ang label?” Segunda ni Reux.
“Tangina niyo‚ umuwi na lang kayo.” Inis na sambit ko. Nag akbayan pa ang dalawa at tatawa-tawang nauna na pumunta dining table.
“Tsaka ka na kasi magyabang kapag may label na kayo.” Agad naman sumunod si Laveign sa dalawang bwesit pagkatapos niyang sabihin iyon.
“Tanginang mga kaibigan ‘to‚ bwesit sa buhay ko.” Inis na bulong ko. Tinawanan lang ako ng katabi ko.
Sumunod naman kami agad sa tatlo‚ naghihintay lang sila.
“Tagal niyo‚ gutom na alaga ko sa tiyan.” Reklamo ni Zed.
“Bakit hindi ka pa kumain? Nasa amin ba ang plato mo?” Pang-aasar sa kaniya ni Kiet. Tinawanan siya ni Zed.
“Susubuan mo ako‚ alipin kita diba?” Agad na sumama ang mukha ni Kiet dahil sa narinig.
“Mas mukha kang dukha kaysa sakin‚ gago ka.” Inis na usal ni Kiet sa kaniya. Tinawanan lang siya ni Zed na sinabayan naman ni Reux.
“Kung hindi si Zed at Laveign ang magkaaway‚ si Kiet at Zed naman. Wala ng matino sa circle ko‚ ako na lang talaga.” Madamdaming saad ni Reux. Malungkot ang mukha niya at pinakita na disappointed siya. Nagtawanan kaming lahat.
“Tama na iyan‚ kumain na tayo. Baka magbatuhan na kayo ng pagkain diyan.” Natatawang sambit ko.
Agad naman silang nagsimula kumain. Si Cassian ang naglagay ng mga pagkain sa plato ko‚ pagkatapos niya gawin iyon ay sinunod niya lagyan ang plato niya.
“Wala ka bang kamay‚ Andi?” Ayan na naman si Zed sa pagiging inggitero niya.
“Just eat your food‚ Zedrick. Or you want Zaven to feed you instead?” Ngumisi si Cassian sa kaniya.
“Igagaya mo pa ako kay Andi na hindi kayang kumuha ng sarili niyang pagkain.” Nandiriring tumingin sakin si Zed dahilan para matawa ako. Grabe inggit sa katawan ng isang ito.
Ngumiwi at tumango na lang si Cassian sa kaniya. Nagpatuloy kami sa pagkain‚ minsan pang magbabangayan sila pero matitigil din kapag sinasaway ko. Pansin ko ang pananahimik ni Zaven kanina pa.
“Kanina ka pa tahimik pareng Zaven ah?” Agad na tanong ni Reux sa kaniya habang nasa sala kami at naghahanap ng panonoorin.
Tumingin kaming lahat kay Zaven‚ napakamot ito sa batok at bahagyang natawa.
“Masakit lang ulo ko‚ pinilit ako nitong dalawa na sumama eh.” Natatawang paliwanag niya.
“Dapat hindi ka na sumama.” Nandoon sa boses ni Zed ang pagiging sarkastiko. Nilingon siya ni Zaven pero umiwas din agad ng tingin.
“Hindi naman talaga dapat ako sasama.” Malamig na tugon ni Zaven.
“Gusto mo ba ng gamot? May mga gamot ako sa kwarto sa sakit ng ulo.” Tanong ko sa kaniya. Umiling lang siya at ngumiti.
“Mawawala rin ‘to mamaya‚ pre. Alak lang katapat nito.” Natatawang sagot niya‚ kailan pa naging gamot ang alak? Amp.
“Nilalagnat talaga yan‚ pinilit lang namin na sumama para kahit papano nakikita namin kung anong lagay niya. Wala parents niyan dito sa pilipinas kaya walang mag aasikaso sa kaniya.” Sambit ni Yuen. Ngayon ko lang nalaman na wala pala ang parents ni Zaven sa pilipinas. May lahi rin ba siya? Feeling ko meron.
“May lahi ka ba?” Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa TV at naghahanap ng panonoorin.
“Meron‚ half ako.” Sagot niya. Napatingin ako sa kaniya‚ pati ang mga kaibigan ko.
“Half ano?” Interesadong tanong ni Lav. Ngumisi sa kaniya si Zaven.
“Half tao at half hayop.” Natatawang sagot niya. Agad siyang binato ni Laveign ng unan‚ nasalo niya iyon. Napailing ako habang natatawa. Wala na talagang makukuhang matinong sagot sa isang ito.
“Half nga talaga ako! Para naman kayong niloloko eh.” Natatawang sambit niya pa.
“Half straight and half baliko.” Seryosong sagot ni Yuen dahilan para matawa kaming lahat. Zaven Headlock him‚ tawang-tawa lang si Yuen.
“Tangina mo Español‚ bumalik ka na sa bansa niyo.” Inis na sambit ni Zaven nang pakawalan niya si Yuen. Nginisihan lang siya ni Yuen.
“Wala na bang straight sa inyong tatlo?” Nakangiwing tanong ni Kiet. Ah‚ baliko? Kagaya namin ni Cassian? Akala ko kung ano.
“Straight pa ako ah! Itong dalawa lang naman ang lumihis ng landas ampota.” Natatawang sambit ni Yuen.
“Ang pogi ay para rin sa pogi.” Natatawang usal ni Bianca.
“Basta ako never papatol sa kapwa ko lalaki.” Taas noong sambit ni Yuen. “Wala akong problema sa inyo ah? Hindi ko lang talaga trip ang trip niyo.” Natatawang sambit niya. Akala mo naman trip lang itong nangyayare samin amp. Isa pa itong siraulo.
“Ano ba panonoorin? Manonood pa ba tayo or mag kukwentuhan na lang?” Agad na iniba ni Zaven ang usapan. Tinawanan namin siyang lahat.
Nang makapili kami ng panonoorin isa-isa kaming nagbukas ng beer. Horror ang napili naming panoorin‚ iyon naman ang suggestion ng girls.
Napapangiwi ako sa tuwing titili sila.
“Yabang niyo na piliin yan tapos magtatago ka lang sa likod ko‚ Lav?” Inis na sambit ni Zed kay Laveign. Agad siyang binatukan ni Lav.
“Manahimik ka‚ Zedrick. Mas nakakatakot pa mukha mo kaysa sa mukha ng multo.” Rebutt naman ni Lav.
Hindi talaga mawawala ang bardagulan kapag magkakasama kaming lahat. Sanay na ako pero ang sarap pa rin nilang pag-untogin minsan.
“Magsuntukan na lang kayo tapos kayo na lang panonoorin namin.” Suggestion naman ni Reux. Agad siyang sinamaan ng tingin ng dalawa pero tinawanan niya lang.
Naiiling na sumandal ako sa dibdib ni Cassian at agad niyang ipinulupot ang braso sa bewang ko.