Day Seven
May 23, 20**
Dear Ma and Pa,
This is nonsense. I'll be honest with you... Ina Inigo, the person I'm finding, whom I assume is Andrew's mother, is already dead. I believe it is her, but I lack sufficient evidence to prove it. I feel so lost for a moment. Mr. Enrico, the orphanage's caretaker, seems to be hiding something from me regarding more about Andrew's mother.
I'm sorry. I think I'll just give up now. I feel so blinded.
Three days from now, I'm already set to go home there in Alaska. I'm really sorry. It seems, our dream for Andrew's eighth birthday won't be granted after all.
I'm really sorry, Ma, Pa.
Your Son,
Marcus
**
Pagkamukat ko, nakita ko ang kisame. Nakapatay ang ilaw, at halatang gabi pa lang... o kaya naman ay madaling araw. Napa-upo ako mula sa pagkakahiga, di ko alam kung paano ako nakatulog. Pero, ramdam ko ang matinding sakit ng aking ulo. Napahawak ako sa aking batok. Medyo napakunot-noo ako ng may mahawak akong parang tela. Bigla na lang bumukas ang ilaw ng aking kwarto. Nakita ko si Lucy, may buhat na tray ng pagkain. Medyo nagulat ito ng makita akong gising.
"Kailan ka pa gising?" tanong niya sabay lapag sa tray sa mesa sa tabi ng kama.
Hinintay ko muna siyang umupo sa paanan ng aking kama bago sumagot, "Kani-kanina lang... bakit ako may bandage sa ulo? At saka bakit ako nakahiga dito? Wala akong maalalang natulog ako ng maaga."
Medyo napamulat ang mga mata ni Lucy, "Di mo ba maalala iyong nangyari kahapon?"
Umiling lang ako. Wala akong maalala. Wala.
"May isang hotel boy ang kumuha sa aming atensyon kahapon," simula ni Lucy, "Sabi nito nakita ka dito sa kwarto mo na duguan ang ulo. Buti na lang agad na dumating ang personal doctor ng isang hotel guest kaya may pauna kang lunas. Sabi nito, maayos ka naman pero malakas ang pagkahampas kaya pwedeng mag-resulta ito ng trauma. Mukhang totoo rin ang sinabi niyang posibleng makakalimutan mo ang mga nangyari ng oras na iyon."
Di ko masyadong naintindihan lahat ng sinabi ni Lucy. Basta alam ko hinampas ako ng ulo. Inabot sa akin ni Lucy ang isang baso ng tubig ng mapansin ang sunod-sunod kung paglunok. Nagpasalamat naman ako sabay inom ng tubig.
"Nahuli ba ang gumawa sa akin nito?" tanong ko sabay abot kay Lucy ng baso.
Inabot naman niya ito at agad linapag sa mesa, "May nakita sa surveillance camera. Dalawang babae, isang naka-itim at isang dalagang naka-night pink dress," tumigil ito at tinignan ako, "Di mo ba sila kilala?"
Napa-isip ako sa sinabi ni Lucy. Inalala ko lahat ng nangyari kahapon. Lahat. Piniga ko ang utak ko... ang memorya ko, ngunit ang tangi kong maalala eh, naabutan ko na medyo nakabukas ang pinto ng kwarto ko. Iyon Lang. Wala ng iba. Wala na akong maalalang iba.
"Wala akong maalalang dalawang babae sa kwarto ko," sagot ko sabay iling.
Tinignan lang ako ni Lucy sabay hinga ng malalim, "Mukhang di mo talaga alam ang nangyari kahapon. Sige magpahinga ka muna."
Pagkasabi nito, agad na akong humiga. Pero pakiramdam, may kulang sa mga dapat kong alalahanin.
**
BINABASA MO ANG
10 Days with Ms. Preggy [Completed]
No Ficción"Mas pipiliin kong magpalaki ng mga aso kaysa magpalaki ng sanggol na ang alam lang gawin ay umiyak, kumain, tumae at sirain ang buhay mo." Ito ang mga salitang lumabas sa bunganga ni Marcus ng makasabay sa elevator ang buntis na si Annie. Ngunit di...