Upuan

3 0 0
                                    

"Pauwi na... po ako, Ma." saad ko habang pigil ang mga luhang pilit kumakawala sa aking mga mata. "Ganoon ba? mag-iingat ka. Hintayin ka namin ng kuya mo bago kumain." sabi ni Mama gaya ng lagi niya sinasabi tuwing pauwi ako galing sa school. "Opo, heto na ang bus. Babye na po, Mama." paalam ko sa kaniya sabay patay ng call.

It's okay. I'm okay. I will be...

Nang huminto ang bus sa waiting shed, bumukas ang pintuan nito at may mga taong nagsibabaan. Matapos nilang bumaba, ay saka ako umakyat sa bus. Marami ang bakanteng upuan, ngunit mas pinili ko na umupo sa bandang likuran sa tabi ng bintana. Napabuntong hininga ako nang mapagtanto na umuulan sa labas.

Binuksan ko ang bag ko upang tignan kung nailagay ko ba ang payong nung nasa shed pa ako."Naiwan yung payong hayss." Isinara ko ang bag ko at isinuot na lang ang headset sa tenga ko. Ang sarap talaga pakinggan ng "I'll be" by Edwin McCain.

"Remember the thing that you....said,
And I'll be your crying shoulder,
I'll be you lover's suicide.
And I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life."

Napaidlip na ako nang biglang huminto ang bus. Epal! sarap-sarap ng pwesto ko dito e. Umayos ako ng upo dahil may mga sumakay. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at ipinikit ang mga mata. "Pwede ba dito?" tanong sa utak ko.
May naramdaman akong tumabi sa akin kaya naman iminulat ko ang mata ko. Pamilyar ang amoy niya kaya naman nilingon ko ito. Bakas sa mukha ko ang gulat nang mag tama ang mga mata namin.

si Drin. Nandito siya. Sa tabi ko!! ang best friend ko nandito sa tabi ko.

"Edrin.." tawag ko sa kaniya. "Hmm?" ang kanina pang pinipigilang luha ay kumawala. Ihinilig niya ako sa kaning balikat at tinapik-tapik ang ulo ko."Iiyak mo lang sa akin, Eli."

"Sorry, natagalan."
"ang mahalaga bumalik ka."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One more chance Where stories live. Discover now