ALL (X)

35 0 0
                                    

--

Abala si Paime sa pagaayos ng dokumento ng mga kaso na kanyang hawak ng may kumatok sa kanyang silid , ndi na nagabala pang sagutin ng dalaga ang kumakatok na iyon dahil maya maya pa ay bumukas na ang pinto. At bumungad sa kanya ang nakababatang kapatid. Lukot ang mukha at masama kung tumingin . Mukha wala naman ito balak magsalita kaya binasag na nya ang katahimikan nito.

" What are you doing here."-

Ngunit parang wala itong narinig nakatingin lang ito sa kanya . Halatang nagpipigil ng galit. Gusto namang matawa ng dalaga sa kinikilos nito. Simula ng malaman nito ang naging usapan nila ng binata. At sinabi nya Simula umpisa hanggang dulo ay alam nito ang nangyari. Kung ndi nga lang sya nagalit ay paniguradong inunahan na sya nito ng sermon na walang kwenta. At simula nuon ay di na sya pinansin nito. Hanggang dumating ang araw na to.

"Tatayo ka lang ba dyan? Kung wala kang sasabihin lumabas kana." - malumanay na sabi ng dalaga. Ng magsalita na ito.

"NAAKSIDENTESIKUYAKIRBY!!"- mabilis na sabi nito , at kahit isa ay walang naintindihan ang dalaga.

"Ulitin mo."- seryosong utos ng dalaga.

"NAAKSIDENTESIKUYAKIRBY!! "- mas mabilis pang sabi nito.

" Bagalan mo."-

"Naaksidente si kuya kirby."- pag kasabi ng dalaga ay nagumpisa na ito umiyak sa harapan nya.

"bakit ka umiiyak. At sinong kirby ? Pumunta ka dito para sabihin saken na naaksidente yung kuya mo? Sa pagkakatanda ko dalawa lang tayo.at ako ang panganay. May kuya ka pala? Bakit di ko alam."- may halong pangaasar pang sabi ni paime sa kapatid.

" yan ang unang beses na nag Joke ka ! At hindi ka nakakatawa. Bakit ba ganyan ang ugali mo! Makasarili ka! Sino! Si kuya kirby!? Yun lang naman yung sinabi mo saken na gusto mong makausap. At ngayon kritical ang lagay nya dahil hanggang ngayon coma parin sya sa hospital! At kagagawan mo yun!"- galit na galit nitong sumbat sa kanya. Kaya ndi narin napigilan ng dalaga ang pagtaasan ito ng boses.

" Anong pakealam ko kung kritikal sya sa hospital! Ang anung kinalaman ko don! Damn it! Kung pagsalitaan mo ko ay parang mas matanda kapa saken! Kung anu man ang nangyari sa lalake na yun! Wala na akong pakealam."-

"gusto ko lang naman sabihin na dalawin mo sya . Kase pag katapos nyong magkita naaksidente sya. At ayon sa sinabi mo saken . Ndi kayo nagkausap ng maayos . At baka dinamdam nya yun kaya naaksidente sya."- mas mababa ng pagsasalita nito. Ngunit ndi parin nabawasan ang init ng ulo ng dalaga.

"Gusto mong pumunta ko sa hospital . Ang dami mo pang sinabi . Umayos ka den."- nakatingin lang si paime sa nakayukong dalaga.

"y-yes.. -

"Yun lang ba. Kung wala ka ng sasabihin Lumabas kana."- malumanay ng sabi ng dalaga sa nakababatang kapatid. Agad naman tumalikod si den at nagmamadaling lumabas ng silid.

' tsk.

Pinagpatuloy na ni paime ang ginagawa ng tumunog ang kanyang telepono.

( Ms.Sandoval)

" Yes."

( May problema , mukhang natuluyan ng bata ko yung pinaguutos mo.)

" Alam ko na. Di ba napagusapan natin na takutin nyo lang. "

( sorry po. Boss lumaban kase eh. )

" Sabihin mo kay jacob magkita kame. Sa Falcon Hospital."

( P-pero Boss ...)

" Mamili ka . Sya ang pupunta o ikaw . "- agad ng binabaan ni paime ang kausap. At tiniklop ang ginagawa. At lumabas ng silid.

-FALCON HOSPITAL-
8:00 PM

"Asan ang kwarto ni Kirby Hobbin."- agad napatingin ang nurse sa lobby ng magsalita si paime. Pinasadahan muna ng tingin ng nurse ang kasuotan na dalaga ang halata sa itsura nito ang pagkamangha sa kanyang suot. Nakafit na sando syang itim na pinatungan ng Jacket katerno ang patigue ng pants at combat shoes at nakatirintas ang mahaba nyang buhok.

" In Room 106 Sgt. ma'am."- abot tenga ang ngiting sabi ng nurse sa dalaga at tinanguan lang ito ni paime. Agad namang hinanap ni paime ang kwarto ngunit bago sya makarating ay may narinig syang naguusap.

" grabe yung babae dun sa Room 106 . Galit na galit . Yun ata yung magulang nung pasyente . Sayang naman . Bakit kase nakipagbreak yung gf nya sa kanya . Di siguro kinaya kaya nagpakamatay hayt!"

" sayang talaga ang pogi pa naman."

nilagpasan na ng dalaga ang mga naguusap at nag patuloy na sa pag lalakad. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni paime ang isang lalake sa di kalayuan . Kaya nilingon nya ito agad naman itong sumaludo bilang paggalang sa kanya. At nagpatuloy na sa paglalakad habang sa kanya nakatuon ang atensyon ng mga tao sa lobby ng hospital.

' Nagpakamatay . Tsk. Iniwan ng girlfriend. Chismosa. Mga taong walang magawa. "

Narating na ng dalaga ang Kwarto kung saan naroon ang binata. Papasok na sana si Paime ng bumukas ang pinto at bumungad sa kanyang harapan ang isa babae na nasa 50 anyos na halata sa itsura nito ang kagagaling lang sa pag iyak. Umatras si paime upang bigyang daan ang ginang ngunit nagulat sya ng hilahin sya nito sa Loob.

"S-ssandali Lang p-" - naputol ang ilang sasabihin nya ng humagulgol na ito.

" Anak! Gumising kana dyan! Andito na ang Girlfriend mo! Bumalik na sya. Please anak tatlong linggo ka ng tulog dyan."- naguguluhan naman napatingin si paime sa ginang dahil sa pinagsasabi nito.

" w-What!? Girlfriend ka ni kuya Ms.Sandoval?"- agad namang nalipat ang tingin ni paime sa dalagang nag salita.

" N-no. Ndi nya k-" - ndi na naituloy ni paime ang sasabihin ng umiyak habang nagsasalita ang ginang.

" O my god! Gising na ang kuya mo! Kirby anak! Bakit pinaabot mo pa ng tatlong linggo bago ka gumising inantay mo pa ang girlfriend mo? Mahal na mahal ka nya anak kaya sya nandito."- mahabang sabi ng ginang. Gusto itama ni paime ang nangkaganapan ngunit ndi nya alam kung paano sisimulan. Napatingin nalang sya sa binata at nakatingin din ito sa kanya walang mabakasang emosyon sa mga mata..

' anung pakulo to. Wala dapat ako dito. Anong klaseng problema na naman ang dulot ng lalake na to saken! Bwiset!! '

PAIME SandovalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon