Chapter 7

9 2 0
                                    

"Pucha naman Aki, napakadugyot!" Naihagis ko sa kanya yung mga hawak kong reviewer sa pagkataranta. Para pa akong batang paslit na nagtatakbo sa likod ni Ethan. Bwisit kasi 'tong si Aki. Habulin ba naman ako habang hawak yung ipis na pinalo niya ng tsinelas?!


Muka lang siyang expensive pero may pagkadugyot talaga ang bwisit na 'to.


"Hindi na, wala na. Tapon ko na 'to." Sabi niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa tiyan, sumasakit na ata kakatawa niya. Ang ligalig talaga nitong kampon ng kasamaan na 'to.


Papansin...


'Pag sinapok ko 'to, tulog 'to.


I picked up my reviewers on the floor at inayos ito. Grabe, mas makapal pa 'to sa pasensya ko. Sa bagay, as if marami akong pasensya? E mas manipis pa nga 'to sa hibla ng buhok.


Sino niloko mo, Sachi?


"Ikaw, may pagkapapansin ka talaga e, wag mo nga kaming guluhin ni Sachi! Sabing may exam nga kami bukas!" Si Amber.


"Sus r-review ka pa, ibabagsak mo lang din naman 'yan." Sabi ni Aki habang naghuhugas ng kamay sa lababo.


"Tangina ka talaga!" Humuhugot ng tissue sa dispenser si Amber. Iwinisik kasi ni Aki sa muka niya yung tubig matapos niyang maghugas ng kamay.


I covered my ears, ang ingay kasi nila. Hindi na ako maka-focus. Finals week na bukas, that's why we're here at Ethan's house. Ang usapan kasi group study, pero parang hindi naman. Mas marami pa kasi kaming napagchismisan kaysa na-review.


Months have passed and the four of us became closer. To the point na we knew each other deeper and discovered each other's personality. Katulad ngayon, akala ko nga dati mas baliw 'tong si Ethan kay Aki but it's the other way around pala.


Hindi siya kalan pero lagi niyang pinakukulo yung dugo ko.


"Bilisan niyo, hanggang 6 pm lang kayo rito. Aalis pa 'ko." Ethan stood up like he's looking for something.


"Saan punta pare tsong?" Aki sat beside me, took a pen inside my pouch, then spun it.


"Dinner with org mates, tay." He said sarcastically


"Parang tatay lang e, tatanong pa. Mind your own business pare tsong." Ethan said while packing his small bag.


"Mambababae ka lang e." Aki smirked, still spinning the pen he took from my pouch.


Tinaasan siya ng kilay ni Ethan, "Gaya mo ko sayo."


"Sige nga, kailan ako nambabae? Imbento ka pare." He threw a pillow at Ethan.


Ibinato ni Ethan yung unan pabalik kay Aki, "Gago, oo na. Bilisan niyo d'yan para makauwi na kayo."

Drenched in EchoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon