Ang Huling Pagsikat ng Araw

38 0 0
                                    


Hi. Ako nga pala si Qian Tarheta. Simpleng lalaki. Introvert. Tahimik. Mukhang seryoso pero alam ng mga kaibigan ko kung gaano ako kakulit. Nakuha kasi nila yung tiwala ko. Mahilig akong sumulat ng kwento. I find it romantic kasi at tsaka nae-express ko rin yung sarili ko sa pamamagitan nito. Mahilig din akong mag picture para ano mang oras, pwedeng mabalikan dahil ika nga nila, ang pictures, pwedeng balikan pero ang tao, hindi na.

Single since birth. Walang naging jowa o ka-situation. Walang ka-chat. Walang good morning na natatanggap sa umaga at good night sa gabi. Walang kayakap. Walang mapagkukuhaan ng lakas sa oras ng kalungkutan. Walang kahit ano.

Pero okay lang. Nasanay na rin. Masaya rin naman kahit mag-isa lang. Mas payapa nga eh. Wala kang iisipin at hindi ka ma s-stress. Hindi ka mag o-overthink. Tanging sarili mo lang ang iintindihin mo. Pumunta sa coffee shop mag-isa? Walang problema. Manood ng sine? Game ako jan. Gumala at maglakad sa gitna ng dilim? Go lang. Sa murang edad, na kaya ko ng ako lang at kakayanin ko 'to, hanggang sa dulo.

Pero minsan, aaminin ko. Kagaya rin ako ng ibang tao na napapangiti kapag nakakakita ng mag-jowa. Straight couples man 'yan o hindi, wala akong pake basta masaya ako para sa kanila. Ang sarap pagmasdan ng dalawang taong nahanap na ang kabiyak ng kanilang mga puso. Ang sarap makita na nagmamahalan ang mga tao.

Oo, naisip ko rin. Naisip ko na rin 'to ng maraming beses. Meron kaya? May darating kaya? May mahahanap kaya? Ano kayang itsura niya? Saan kaya kami magkikita? Nagkita na ba kami? Nadaanan na ba namin ang isa't-isa? At kung ano-ano pa.

Alam ko sinabi ko na single since birth ako. Pero maniniwala ba kayo kapag sinabi kong nasaktan ako ng siyam na beses sa aking buhay pag-ibig? Oo, tama ang narinig niyo. Siyam na beses. Bawat isa ay may kwento. Bawat isa ay may iniwang aral na hindi ko itinatangging nakatulong din talaga sa akin para mag grow as a person.

At ngayon na second year na ako sa college, ang gusto ko, mag focus lang muna ako sa pag-aaral at sa mga bagay na kailangan kong pagtuunan ng pansin. This time, gusto ko mag focus ako sa present life ko at planuhin ang bawat sandali.

Yun ang plano...

Kaso iba talaga maglaro ang tadhana. Hindi natin hawak ang maaaring mangyari. Siyam na beses. Siyam na beses akong nasaktan sa iba't-ibang tao. Hindi ko naman inaminan but still, hindi 'yun naging madali and it's okay. Kapag hindi tayo okay, hindi natin kailangan magpanggap. Feel it. Absorb it. 'Yan ang dalawang bagay na ginagawa ko kapag hindi ako okay. Hinahayaan ko lang na maramdaman ko ang sakit hanggang sa mawala.

Hindi ko alam pero...mukhang nagugustuhan ko na ang kaklase kong si Austin. Eto na naman tayo. Nakakainis. Paulit-ulit na lang. Pero sige, last ko naman na 'to. Ito na ang huling taong mamahalin ng aking puso at sa oras na masaktan ako, ititigil ko na agad at isasara ko na ang aking puso.

Sabi ng mga kaibigan ko, huwag ko raw isara. Na marami pa akong makikilala. Na kailangan ko lang maghintay pero iba kasi mapagod ang puso. At nararamdaman ko 'yun. At ngayon na may bago na ngang nagpapangiti sa akin, ang tanging hiling ko lang ay sana, hindi ako masaktan sa pagkakataon na ito.

Siya si Austin. Introvert din. Tahimik. Matalino. Gwapo. Pero hindi siya yung ordinaryong introvert na inaakala niyo dahil maski ako, nagulat! Magaling pala siyang mag motor?! At magaling din siyang maglaro ng basketball at online games! Grabe, sinalo na niya lahat. Naalala ko tuloy yung pang walo kong naging crush. Limitless din yun eh.

Nagsimula ang lahat noong ako ay nakapila sa cashier, magbabayad ng tuition. Sakto, siya yung ka-sunod ko sa pila.

Nagtanong siya at sinagot ko. Nonchalant talaga ako pagdating sa ibang tao. Hindi ko man lang napahaba yung pag-uusap namin!!! Pero okay lang dahil sa mga sumunod na araw ay mas dumami pa ang aming interaction. Tanghali nun, nasa kwarto ako. Gumagawa ng mga gawain sa history subject. Habang busy ako sa paggawa, pagtingin ko sa phone ko, nakita ko na inadd niya ako sa facebook!!!

The Last CardWhere stories live. Discover now