"Tangina ni Casper" inis na usal ni Zephy."Oh? Bakit na naman?" Patawang tanong ni Aurelia sa kaniyang kaibigan.
"Lagi na lang ako pinagtitripan, nakakainis na sobra." Namumula na sa galit ang mukha niya.
"Di ka na nasanay te HAHAHA" pagkantyaw naman ng kaniyang kaibigan sa kaniya.
"Uwi nako, hatid mo ako please" pagmamakaawa ni Zephy at parehas na nakasiklop ang mga palad.
"Wow ha? Kanina lang parang bomba na sasabog ka, tapos ngayon parang tuta ka naman na nagmamakaawa?"
"Gusto mo bang sumabong ako dito?" Pang-hahamon niya sa kaibigan.
"Joke! Eto naman si bff di mabiro, tara na nga!"Hinatid na ni Aurelia ang kaniyang kaibigan sa bahay nito, dahil tapos naman na silang mag-usap para sa kanilang darating na Cheer Dance Competition sa school, sila muna ang nagpaplano dahil "busy" daw ang kanilang ibang kaklase.
__________Hays, naka-uwi rin. Magka-cram na naman ng mga activities, wala pang 2nd quarter andami na agad gagawin. Habang nag bobrowse sa socmed, biglang may nag notif sa screen ng cellphone ko.
*Casper Jai sent you a message*
Tangina eto na naman tayo sa mokong na to eh.
Casper:
Hoy panget!Zephy:
???
Casper:
Wow, nonchalant?Zephy:
Ano bang problema mo?Casper:
Ikaw :pZephy:
Nangga-gago ka ba?Casper:
Chill lang madam, baka mas lalo kang pumangit. Btw, yung plan abt sa Cheer Dance? Naayos na ba?Zephy:
Bakit mo natanong? Eh wala ka namang pake don, diba?Casper:
Ikaw na nga tutulungan ko, ayaw mo pa?Zephy:
Ayoko, baka pumangit lang presentation.Casper:
Pakyu ka Pres, kaya wala kang bf e!
*Seen*Hanggang chat talaga di ako tatantanan ng mokong na to, nakakairita talaga, ang init ng dugo ko sa kaniya. Pasensyahan tayo bukas Casper, pag nakita ko yang mukha mo uumpog ko yan sa pader!
__________"Zephyr! Gumising ka na anong oras na?!" Sigaw ni mama habang nagluluto sa baba.
Putangina.
LATE NA AKO!!
"Yan kasi, anong oras na natutulog, wala namang boyfriend" Asar pa sakin ng tanginang kapatid ko na to.
"MEGAN BAT DI MO AKO GINISING?!"
"Ate, sinabihan mo ba akong gisingin kita? Hindi diba?" Pilosopa!
Dali-dali akong naligo at nag ayos ng sarili dahil sobrang late na ako, 6:10 am nagsisimula ang klase namin at 5:30 am NA! BWISET NA BUHAY, LUNES NA LUNES TSAKA GANITO, ARGHHHH!
"Babaita kumain ka na rito!" Aya sa akin ni mama. "Sa school na lang po ako kakain, bye po!" Sabay mano sa kaniya at mabilis na tumakbo papalabas ng bahay. Mabuti na lang at may iisang tricycle ang hindi pa nakakaalis, kaya sumakay na ako agad.
Ang saya nga na may tricycle, ang nakakagalit lang, napaka bagal mag-patakbo, ang lawak ng daan!
"M-manong, wala na po bang ibibilis to?"
At ayon, hindi ako sinagot. "Eto po bayad" Inabutan ko si manong ng 60 pesos. Ang mahal jusko.Saktong 6am nasa school gate na ako, kaya tumakbo na ako ng napakabilis. Habang tumatakbo, hindi ko napansin na may taong papalapit sa direksyon ko, kaya nabangga ko siya. At shet, ang pogi ah.
"Sorry, Miss! Hindi ko sinasadya" Ano ba to si kuya, ako na nga nakabangga siya pa magso-sorry. "Miss, a-ayos ka lang ba?" Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kaniya, kaya tumayo ako agad at pinagpagan ang sarili.
"S-sorry po! Nagmamadali na talaga ako, sorry!!!" Pag hingi ko kay kuyang pogi ng tawad habang naka yuko sa harap niya. "Okay lan-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang biglang may pumalakpak sa gilid namin.
"Nice one Zephy, kaya pala late ka kasi nakipag DATE ka pa!" Pasigaw na sabi ni Casper habang matalim ang tingin kay kuyang pogi.
"H-ha? Gago ka ah! Hindi noh!!" Namumula na ang mukha ko dahil naka tingin lang sa akin yung pogi. Pumasok na ulit sa Classroom ang mortal enemy ko, at nakitang wala pa palang teacher. THANK U LORD!!"Rainer" Sambit niya at inilahad ang kamay sa aking harapan. Inilahad ko rin kamay ko, nakakahiya kaya! "Zephyr" Sabay ngiti, syempre para dagdag ganda points.
"Sorry ulit haha, see ya around Miss Zephyr" Ngumit siya sa akin at umalis na.
Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Aurelia papasok ng classroom. "SINO YON???" Napaka chismosa. "Pwedeng paupuin mo muna ako?" Nilagay ko na sa upuan ang bag ko at umupo, nasa tapat ko naman tong marites na to.
"Nagmamadali kasi ako kanina, akala ko may teacher na, kaya tumakbo ako tapos boom, nabangga ko siya" pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Mala k-drama atake niyo ah! In fairness, pogi" Basta pogi napaka landi.
"Pero te, tingnan mo si Casper" tumingin naman ako sa direksyon ng lalaking iyon at nakita kong nanlilisik ang mga mata nito sa akin. Nabigla ako nang bigla siyang tumayo at lumapit sakin.
"Mag-usap tayo, Zephy"
__________________________
YOU ARE READING
ENEMIES TO LOVERS? OR ENEMIES TO STRANGERS?
Novela JuvenilCASPER JAI CALLESTER & ZEPHYR MELAINE JANDERA May kahahantungan nga ba ang kanilang pag-aaway? Ito ba ay magdudulot sa kanila ng ikabubuti sa isa't isa? O makasisira lamang ito sa kanilang dalawa? LOVERS OR STRANGERS? Kanila bang mahahanap ang puwa...