~~~Dahil sa kakaiyak hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako nagising ako nang marinig kong may babaeng umiiyak at sa tingin ko Bagong dating ito sa piitan,dahan dahan akong lumapit sa Rehas at nakita ko ang babaeng naka upo at tila nag hihinagpis habang naka sandal sa pader hindi ko mapigilang maawa dito dahil sa pareho na kami nang sitwasyon ngunit napansin kong tila yata galing ito sa mayamang pamilya dahil sa soot nitong magarbong baro at saya.Ella: binibini Tahan na huwag kanang umiyak ang kailangan mo ngayon ay mag pagka tatag...
Biglang huminto sa pag iyak ang binibini nang marinig nito ang aking sinabi at napatingin ito saakin.
Maria: binibini matagal ka na bang naka piit dito?
Ella: kaninang umaga lamang binibini at ikaw mukhang ngayon kalang dinala dito tama ba ako?
Nakita kong napa tango naman ang binibini saakin at gumapang ito palapit sa rehas upang makita ko itong maigi.
Maria: natatakot ako rito kong kayat labis ang aking pag iyak ngunit gumaan ang aking loob nang makita kita...
Mapait akong napa ngiti sa binibini dahil ganun din ang aking naramdaman kanina lamang ay takot na takot ako kaya hindi ko mapigilan ang maiyak ngunit guminhawa ang aking pakiramdam nang malaman kong may kasama na ako kahit papano.
Ella: huwag kang matakot makaka labas din tayo rito sa madilim na piitang to...
Biglang napa yuko ang binibini saakin at narinig kong tahimik itong humihikbi bago ako nito sagutin.
Maria: marahil ay ikaw may pag asa kapang maka labas ngunit ako walang kapatawaran ang aking ginawa tiyak na kamatayan din ang magiging kaparusahan ko...
BINABASA MO ANG
Primer y' ultimo amor (una at huling pag ibig)
Historical Fictionsi Ella ay isang anak nang mababang uri nang babaeng taga pag silbi ngunit ang kaniyang ama ay isang kastila subalit hindi ito kinikilalang anak nang kaniyang ama dahil sa ipinag kasundo ang kaniyang ama nang magulang nito sa ibang babae. Lumaki si...