Chapter 27

20 5 3
                                    

Danny helped me to get myself washed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Danny helped me to get myself washed. Ipinahiram na lang muna siya sa akin ang damit niya kahit malaki sa akin. Hindi ko na iintidihin 'yon kompara sa ginawa ni Derek sa akin. Ang sariwa pa rin ng lahat nang nangyari kanina. I could only erase a part of my memory, I would do that. Lalo lang bumabaon sa puso ko sa tuwing papasok ito sa isipan ko.

"Girl," pagtawag ni Danny sa akin. Nakaupo lamang ako sa sofa habang nakatitig sa isang sulok. "Lintik n Derek na 'yan. Bakit nakuha pang kumasta ng ibang babae, 'no? Nakilala mo ba kung sino?"

Dahan-dahan akong umiling. Hindi pa rin ako nagsalita at unti-unti muling tumulo ang mga luha ko. I tried so hard not to let them down, but the emotion inside my chest can't be kept or it will break me to pieces.

Saglit lang ay inabutan ako ni Danny ng basong tubig at hinagod ang likod ko. It didn't help me because I knew it would only break me again. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Mabilis akong tumungo ng banyo. Alam kong nakita ko ang bote ng pills sa cabinet kaya dali-dali ko iyong kinuha at binuksan. Before I could even the pills out of the bottle, Danny slapped my hand where all of them scattered down the floor.

Agad akong lumuhod para pulutin isa-isa iyon at sabay-sabay isubo, but Danny grabbed my arms and pulled me out of the bathroom. Isinarado niya iyon habang napahiga na lamang ako sa sahig kasabay ang mga luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko.

"Girl! Ano ka ba. . ." naiiyak na pagtawag ni Danny sa akin. Dinamayan ako nito at niyakap sa sahig. "Please! 'Wag na 'wag mo na ulit gagawin 'yon. Kakaltukan talaga kita kapag ginawa mo ulit 'yon. 'Wag ka magpakamatay para sa lalaki, girl! Makakahanap ka rin ng ibang lalaki na hindi ka lolokohin! Hindi lang si Derek ang lalaki sa buong mundo! trust me, I've been with many guys at hindi tayo nagkakaubusan!"

What he said brought more tears to me. I continued sobbing while my mind kept flashing the moment I had to see him get so satisfied with that woman. He couldn't get it to me kaya sa iba niya hinanap. He found it with that girl who seemingly could give all the satisfaction he was looking for.

We were engaged and he threw that out so easily na parang wala lang. Wala nga lang ba talaga ako sa kanya? Bakit parang dali sa kanya na gawin 'yon sa akin? Bukod sa sex, may iba pa ba akong pagkukulang? Iyon lang ba ang habol niya sa akin kaya no'ng malaman niyang walang pag-asa na magawa niya sa akin ay naghanap na siya ng iba. How could someone do that? Do they think about the people they would hurt after doing it?

I don't see any remorse on their faces earlier. All I could was a fulfilled fantasy.

Mayamaya lamang ay may narinig kaming kumakatok sa pinto. Nang umangat ang tingin ni Danny ay agad ko siyang pinigilan dahil sa isip-isip ko ay kilala ko na kung sino ito. Paulit-ulit ang pag-iling ko habang nagmamakaawa ako sa kanya na huwag na huwag niyang bubuksan ang pinto kahit ano man ang mangyari.

"I won't, girl," he assured me. "Pero kailangan kong patigilin si Derek sa pagtakok dahil makakaistorbo siya sa ibang kwarto."

Nang umalis sa pwesto ko si Danny ay umayos ako nang pagkakaupo at pinanood ko siyang tahakin ang daan patungong pintuan. I wrapped my arms around my legs and placed my chin over my knees.

Lovesick Wonders (A Palawan Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon