CHAPTER 22

269 27 6
                                    

Hindi pa sumisikat ang araw ay bumaba na ng Nabalitokan a Langit si Liwayway. Bitbit ang ibebenta niyang mga patatas, bulaklak, at itlog ay binagtas niya ang daan pababa. Sumabay na siya sa mga batang bumaba para pumasok sa eskuwela.

Huling araw iyun ng Linggo sa pagpasok ng mga bata kaya naman may pananabik ang naririnig niya sa boses ng grupo ng mga batang Agba. At hindi niya maiwasan na ngumiti nang malapad habang pinakikinggan ang mga ito.

Nagkahiwahiwalay lamang sila nang marating na nila ang ibaba ng bayan. Ang grupo ng kabataan ay naglakad na patungo sa paaralan habang silang grupo ng mga kababaihan na magbebenta ng mga ani na gulay ay patungo sa bayan ng Catalina kung saan naroon ang palengke.

Ngunit nasa arko na sila ng Buenavista ay huminto ang grupo ng kababaihan na Agba na kaniyang kasama.

"Uh Liway, dito kami sa kabilang bayan magtutungo." Ang sabi ng asamahan niyang Agba.

Kumunot ang kaniyang noo. "Saan? Sa labas na ng Buenavista?" ang kunot noo niyang tanong.

"Wen, masapul nga agbiroktayo kadagiti dadduma a lugar a paggatangan kadagiti produktotayo...matumal na kasi rito at wala nang masyadong nabili, ilang gabi nang...madilim ang aming bahay dahil sa walang gas, kaya kailangan na naming lumayo nang kaunti para makabenta...gusto mo bang sumama sa amin?" sagot nito sa kaniya.

"Haan, masapul laeng nga agtalinaedak ditoy," ang kaniyang pagtanggi.

Tumango ang ulo ng mga ito at nagpaalam sa kaniya bago sabay-sabay ang mga itong binagtas ang kabilang direksyon palabas ng Buenavista.

Isang maliit na baryo ng isa sa limang bayan ng Revilla ang nasa boundary ng arko ng Buenavista kung saan patungo ang kaniyang mga kasamahan. At siya? Tumanggi siyang sumamasa mga ito.

Mas may tiyansa na makapagbenta ang mga ito sa kabilang bayan sa karatig lalawigan nila ng Revilla. Ngunit hindi lang naman pagbebenta ng kaniyang mga ani at pagbili ng gamot ng kaniyang lolo ang pakay niya sa Catalina.

At hindi nga sa pamilihan siya dumiretso kundi sa bagong tatag na munisipyo. Nakasara pa ang pintuan nito ngunit mayroon nang tao sa paligid lalo pa at ang maliit na himpilan ng pulis ay doon din nag-oopisina.

Naupo siya sa harapan ng upuan para doon maghintay. Nang mapansin niya ang isang pulis na papalapit sa kaniya.

Inayos niya ang kaniyang bandana sa ulo para mabawasan ang lamig na nararamdaman. Maaga pa at mas mababa ang temperatura sa oras na iyun.

"Adda kadi ur-urayem?" ang tanong nito sa kaniya.

"Hinihintay ko po na magbukas ang munisipyo." Ang sagot niya.

Tumango ito at ngumiti at napansin nito ang basket na nasa tabi ng kaniyang paanan. "Ibinibenta mo ba iyan?"

"Opo." Matipid niyang sagot.

"Magkano mong ibinibenta ang mga iyan?" tanong nito habang pinagmamasdan nito ang kaniyang mukha.

"Magkano niyo pong bibilhin sa akin?" ang kaniyang tanong na sagot.

"Ikaw...magkano mong ibibenta?" ang tanong nito sa kaniya.

"Tallo gasut na lang po para sa lahat." Ang kaniyang sagot.

"Kasama ang mga bulaklak?" ang tanong nito at tumango ang kaniyang ulo.

"Sige kukunin ko nang lahat," ang sabi nito sa kaniya. "Siguradong magugustuhan ng asawa ko ang mga bulaklak na iyan."

Isang ngiti ang isinagot niya rito. "Sigurado po ako, sa Nabalitokan a Langit lang po makikita ang mga bulaklak na iyan." Ang sagot niya.

"Isa kang Agba?" ang kunot noo na tanong nito sa kaniya. At alam niyang hindi iyun kapanipaniwala.

Breaking Mr. Rake (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon