Dalawang linggo na rin ang lumipas mula nung umalis si Leo sa bahay, may sakit padin akong nararamdaman. Mukhang matagal akong ganito.
Nakita ko ring iniwan ni Leo ang promise ring, necklaces, matching bracelets namin at tsaka na rin ang cologne niya. Nakalimutan niya lang siguro ilista sa mga gamit na iniwan niya. Ang hirap pading tanggapin na.. tapos na kami, and.. na sa seminaryo na siya.
Pero kailangan kong tanggapin at patatagin ang sarili ko, hindi p'wedeng parati akong ganito. Paano ako uusad sa buhay?
Mula nung umalis ng bahay si Leo, ilang araw rin akong naka higa, tulala at nag iisip sa kwarto. Habang akap akap ang bible na iniwan niya, ang sakit lang talaga.
Pero.. kahit na ganito ang sitwasyon ko ngayon, nakikita kong nag e-effort si papa na kausapin ako. Patatagin ako, at sa bawat araw na lumilipas.. unti unti akong nagiging okay, at sa mga araw na 'yun parati niyang inuulit sa'kin na " darating rin ang panahon, na makakahanap ka ng taong mamahalin ka ng totoo. Ng tapat, at hindi ka lolokohin o iiwan. "
[Papa's pov]
“ 'nak? ”sabay katok sa pinto.
“ pasok po, bukas po 'yan. ”
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at maingat rin akong nag lalakad habang dala-dala ang dalawang plato ng pagkain para sa'min ni Lesther, ayokong nakikita ko siyang nanghihina at nalulungkot dahil sa isang tao. Alam kong masakit at mahirap tanggapin pero kailangan niya, in that way maging okay siya kahit papano.
“ anak oh, kain na. Simula kaninang umaga ka pa hindi kumakain, baka mapano ka niyan. ”
“ opo papa kakain rin po ako ”
“ sige na 'nak, bangon na. Sasabayan na kita kumain dito. ”
Naupo si Lesther sa kama at ako nama'y umupo sa silya sa tabi ng kama niya.
“ nangangayayat ka na oh, 'di ka masyadong kumakain. Kung kakain ka man kakaunti lang, tapos.. madalas hindi pa on time. Nag aalala ako sa'yo 'nak. ”
“magiging okay rin po ako 'pa, sadyang hirap lang po talaga akong mag move on ngayon kaya po ganito ako. ”
“ nak, alam kong paulit ulit ako. Pero alam kong alam mo na nandito lang lagi si papa sa tabi mo ah, pag need mo ng kausap nandito lang ako. If want mo nag inom then we can do it, let's go to a bar. Let's have some fun. ”
“ pag iisipan ko po papa, parang ayoko po muna kaseng lumabas ng bahay ngayon. Or even sa kwarto, nahihirapan po akong maka move on.. lalo na't.. two weeks palang mula nung umalis siya dito. ”
“ …” napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Lesther sa'kin, papayagan ko naman siya sa kung anong gusto niya. Pero.. hindi maalis sa isipan ko ang pag iisip ng masama kapag mag isa siya sa kwarto niya.
“ uhh anak, nga pala. Okay lang ba sa'yo na samahan kita rito sa kwarto for a while? Na aano kase ako pag mag isa ka lang. 'Di ako mapakali. ”
“ okay lang naman po sa'kin ‘pa, mas gusto ko nga po na may nakakasama ako rito eh. Gawa nung nakasanayan ko na nandito pa si Leo kasama ko. ”
“ ganon ba? Then i'll stay here nalang ”
“ its up to you papa. ”
[Lesther's pov]
Makalipas ang isang buwan mula nung umalis si Leo at pumasok ng seminaryo. Napapansin ko sa sarili ko na paunti-unti nakaka move on ako sa kaniya, pero hindi padin maiwasan ‘yung mga pag iyak ko tuwing gabi lalo na pag naaalala ko siya. Totoo nga ang sabi nila, mahirap mag move on. At it'll took a long time for me to move on.
BINABASA MO ANG
SEMINARYO
Romancethis story is a Filipino BL story, about two young men who are roommates who gradually fall for each other and enter the sacristan at the same time. Until one of them fell out of love, and responds to "The Lord's Call" and started going through semi...