Realidad

14 1 0
                                    

Araw-araw tumatakbo sa aking isipan kung may patutunguhan nga ba ito.

Minu-minuto kong sinusubukang paniwalain ang aking sarili na baka panahon nang sumugal muli rito.

At sa bawat takbo ng oras, patuloy ko rin pinapaalalahanan ang aking sarili na baka isang araw ibalik na ko sa realidad mula sa panahong sinubukan kong paniwalaan.


Sapat na ba ang panahon na lumipas upang masabi na may kabuluhan nga ba ang iyong paririto?

Masama bang hilingin na sana'y sa bawat segundong nawawala'y ika'y nasa tabi ko?

Tama nga bang kunsintihin ang damdamin na patuloy lang itong maramdaman mula sa isang sitwasyon na walang katiyakan?

Saan, kailan, at paano nga ba magsisimulang magkamali ang isang bagay kung ang paunang dulot naman nito ay katahimikan at kaligayahan?


Ang bawat dulot mong kasiyahan ay siya ring pagbibigay sa akin ng pighati sa aking buhay.

Ang bawat dulot mong ngiti ay may kaakibat sa akin na luha.

Ang pagmamahal na minsan kong naramdaman ay may dulot ding paghihirap.

Ngunit kailanman, hindi ko pagsisisihan na ika'y nakilala at nagbigay ng liwanag mula sa madilim na pinagdaraanan.


Araw-araw iniisip kung hihilingin pa nga bang maibalik ang dati.

Minu-minuto inaalala kung may panahon bang nasayang o sana'y iba ang nangyari.

At sa bawat takbo ng oras, patuloy pinagtitibay ang sarili upang bumangon muli at matuto sa mga pagkakamali para mabuhay sa realidad na dapat paniwalaan.

Oras at TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon