Alexys Keith Harrison
I was walking towards the room that I was assigned to watch over because all of our teachers were having a meeting.
School President's duties.
Naglalakad palang ako papunta sa room ay rinig na rinig ko na ang mga sigawan nila.
Really? Anong feeling nila nasa zoo sila?
GRADE 9-CAMIA
When I entered the room they all became silent and went back to their seats.
Good dogs, at least they know how to respect.
"Shit si Pres"
"Ano ba yan bat si pres pa na assign dito, hirap tuloy mag ingay"
"Okay lang na si Pres ang na assign dito, super pretty-handsome niya argh"
Hindi ko na lang pinansin ang mga bulungan nila at umupo na lang sa upuan sa tapat ng teacher's table.
Tila sinusundan ng mata nila ang bawat galaw ko.
Tumikhim muna ako bago sabihin sa kanila ang activities na gagawin nila.
"So as of today your activity is-"
Naputol ang pagsasalita ko ng biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang tatlong babae."HAHAHAHA, Kala niya mauuto niya ko ha, ulo-" Biglang natigil ang pagsasalita ng babae na nasa gitna at tumingin sa gawi ko dahil sinenyasan siya ng dalawa niyang kasama.
"Lock the door." Maatoridad kong utos sa kanila. Agad naman sumunod yung babaeng huling pumasok.
"Come here." Agad naman silang nagsilapitan maliban dun sa babaeng nasa gitna kanina.
Tahimik lang na naka upo ang mga kaklase nila na tila nanunuod sa amin.
"Is there any problem Ms..." Tiningnan ko ang name tag niya at binasa ang pangalan niya.
"Carysv"
'Aeris Madyzon Carysv'
So she's a Carysv, kaya pala ang lakas ng loob niya na lumabas sa oras ng klase.
"I want to went back to my seat, hindi ikaw ang mag dedesisyon para sa'kin. Ano porket president ka may karapatan ka na dito?" She said while smirking, and started walking towards her seat.
What? She want to "went back" to her seat?
"Fix your grammar first before you take your seat, Carysv. You sounded like an idiot trying to be cool by speaking disrespectfully to me."
"Woooooo!!"
"Wow, lakas talaga ni Pres!! Kaya lab na lab kita eh!!"
"Wag mo awayin baby ko, Pres!!"
Naghiyawan ang mga kaklase niya at nagpalakpakan pa. Naghagikhikan naman ang mga kaibigan niya sa tabi ko.
Agad namang lumingon si Carysv sa gawi ko at inirapan ako.
"At ano naman kung mali yung grammar ko?! At least hindi ko tinatawag na idiot pag mali yung grammar nila!" Pasigaw na saad nito.
"Paano mo malalaman na mali yung grammar nila when you don't even know how to fix your own grammar?" Kalmado kong saad at tila tinatantiya ang magiging reaksiyon niya.
Agad namang nagsigawan at palakpakan ang mga kaklase niya na tila nanonood sa sabungan.
"Quiet." Agad naman silang nag si tahimikan.
"Carysv you will come here or I will put you into the detention room?" Malamig na tanong ko sa kaniya pero tila galit na nga ito base palang sa matatalim na titig na binibigay niya sa akin.