"Huhuhuhuhuhuhu"
"Mama tulungan natin!"
"Sige anak!"
"Dito tayo para makita ka ng Mommy mo."
(A/N: dba parang commercial lng XD)
....
....
....
Makalipas ang ilang minuto
"ANAAK!!!"
"MOMMMYYY!!!"
"Naku thank you sa pagtulong niyo ha!"
"Mommy siya po ang tumulong sakin"
"Naku pogi thank you! Anong pangalan mo?"
"Ahmm.. ako po si Kit" sabi nung batang tumulong
"Ahmm ako naman si Aya" sabi nung batang umiiyak kanina
"Maraming salamat po Misis!" sabi nung nanay na nawala ang anak
"Walang anuman po! ganyan talaga ang anak ko mahilig tumulong." sabi nung nanay na tumulong ang anak
At dun na nag-umpisa ang pagkakaibigan namin nitong si Kit kasi napag-alaman ko na sa iisang school lng pala kami papasok parehas kami na grade 1 nun
Gusto niyo bang idescribe ko sa inyo si Kit? Mataba siya! as in! parang puputok na nga yung pisngi niya eh XD pero meron siyang magaganda at mapupungay na mata at malambing na ngiti! Pero ayaw na ayaw niyang matatawag siyang mataba kasi naiinis siya
Samantalang ako heto.... Payatitot! ang payat ko talaga buti nga buhay pa ko sa payat ko na to eh! XD Magandang maganda ako kung lng sanang tataba ako haayyss!!
At eto na naging magbestfriends kami ni Kit laging kaming magkasama at laging nagshashare ng pagkain sa isa't-isa pero lugi ako dahil konti lang nahihingi ko sakanya samantalang siya halos ubusin yung pagkain ko XD
Minsan sa sobrang dalas namin mgkasama inaasar na siyang bakla kc babae daw ang sinasamahan niya.
Naalala ko pa nga nung Grade 3 kami nun. Wala si Mama kasi may meeting daw siya ng maaga tapos yung yaya ko nman eh saktong day off nun kaya walang makapag-ayos ng buhok ko kasi yung kapatid ko lalaki at 3 years old pa lang siya kaya pumasok ako ng gulo gulo ang buhok ko!
Pero nung nakta ako ni Kit,..
"Anong nangyari sayo? Mukhang nadelubyo ung buhok mo!" Kit
"Eh kc wala si mama tapos day off nung yaya ko kaya walang nakapag-ayos sakin" Aya na nanggigilid ang luha
"Wag kang iiyak! tara tumalikod ka sakin. May pamusod ka ba?" Kit
"Ah oo meron" Aya
"Sige akin na pati ung suklay" Kit
"Eto oh" Aya
"Ang dali lng pala neto eh!" Kit habang pinupusod si aya
at heto na
"Aba may parlor pala si Kit dito eh! Ayusan mo nman kami" classmate 1 at nagboses bading pa
"OO nga! magpaparebond ako" classmate 2 nagboses bading din
"Ano ba kyo! Baka nga kayo ang mga bakla eh!" sigaw ni Aya
"Takbo na! Baka birahin tayo ng tomboy!!" classmate 1
"Thank you ha!' Kit
"Wala yun! bestfriend kita eh! Sige ituloy mo na ang pagpupusod!" Aya
....