Isabella's POV
AM I in the right path? Can I take the consequences of my decisions and actions? Nagtatalo ang puso at isip ko sa dalawang bagay. Ang maniwala at ang magbalewala.
I shouldn't think this certain situation pero kusa siyang pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam kung anong iko-consider ko sa bagay na ito.
I felt confused sa bagay na hindi naman dapat pinagtutuunan nang pansin.
"Ano? Ayos ka lang ba?" Isang araw sa main naabutan ako ni Zeke na nadapa sa sarili kong katangahan.
Nakanguso akong nagpatulong sa kaniyang tumayo. Marahan niya akong inupo sa couch at kumuha ng first aid dahil nagkaroon ng cut ang tuhod ko.
"Ahh..." Daing ko nang madiinan niya ang sugat. Bumalatay ang pag-aalala sa mukha niya.
"Sorry." Marahan niyang hinipan ang sugat ko. Seryosong seryoso siya sa ginagawa na akala mong malala iyon.
Kinuha ko iyong pagkakataon para titigan siya. Kunot ang makapal na kilay at seryoso ang mata. Maliit na bagay lang naman ito pero hindi ko maiwasang matuwa dahil sa care na pinapakita niya.
Masaya ang puso ko sa tuwing mararamdaman ko na kahit papaano ay mahalaga ako sa kaniya. Hindi ko nga lang alam kung iyon talaga ang nararamdaman niya. I want to ask him kung ano ba kami. Pero dinadaga ang puso ko dahil baka nag-a-assume lang ako.
Paano kung ganito din siya sa ibang babae?
Parang may bumara sa lalamunan ko sa isiping ganito siya sa lahat ng babae, na normal ito sa kaniya samantala iba ang pakahulugan ko.
This is not the first time that this has happened. Kaya lalo akong nalilito. And I hate myself for being easy to attached. I've realized to take care of myself first. That means setting boundaries and taking a step back when things get too overwhelming.
Pero paano? Kung ganito nang ganito ang pinapakita mo. I want to know the real score between us. Ano ba ako sayo? Nakakainis dahil marami pang bagay na dapat ang iniisip ko kaysa dito pero hindi siya mawala sa isip ko. Every time na bakante ang utak ko siya agad ang pumapasok. Gusto kong kaltukan ang sarili ko.
Nagmumuni-muni ako nang bumukas ang pinto at niluwa si Keize. Kapansin-pansin ang ningning at aliwalas sa mukha.
Masaya ang loko.
Tiningnan ko ang wall clock. "Uwi ba nang matinong babae iyan?" Tinaasan ko siya nang kilay napanguso naman siya.
"It's 10 pa lang kaya sprite." Umayos ako nang upo dahil tumabi siya sa'kin.
"Here." Nilapag niya ang isang box ng pizza and donuts.
"May suhol ka pa ah."
"Suhol your face."
"Kumain ka na?" Tumango naman siya. "Dapat lang no, ang tagal mo sa labas tapos gutom ka."
Kumuha ako nang dalawang mug nang kape para ipares sa dala niyang suhol. Pero donut lang ang kinain niya dahil hindi naman siya nakain ng pizza.
"Bakit pala gising ka pa?" She asked tinaas pa ang paa sa couch.
"Hindi ako makatulog eh. Nag-iisip ako." Mabilis siyang bumaling sa akin na ipinagtaka ko. "Why?"
"Don't me nga sprite."
"What?"
"Wala ka kayang isip duh!" Napaikot ang mata ko sa hirit niya. Mabilis kong hinigit ang kamay niya nang may mapansin ako. "Bella! Nainom ako, ano bang ginagawa mo?" Binawi niya ang kamay pero pinigilan ko at sinipat 'yon.