Chapter 51

4 1 0
                                    

Xian's POV

SA nagdaang araw at linggo napakasarap sa pakiramdam ang gigising. My life before was dull. When I met this amazing woman my point of view in life changed. I just perceived that everyday is our chance to change our life. Natagalan nga lang ang sa akin.

My concerns were alcohol to drink, women to use, money to spend. But now, parang nagkaroon ako ng rason para bumangon at magbago. I want to prove myself that I am worthy of love. Gusto kong patunayan sa babaeng ito na hindi niya pagsisisihan ang pagpapasok niya sa akin sa buhay niya.

"Why are you staring?" Mataray na baling niya sa akin. Nakatitig kasi ako sa kaniya the whole time.

Ang taray talaga nito.

"Ang ganda mo." Nakita kong mamula ang pisngi niya at mag-iwas nang tingin.

"Tigilan mo ko Xian ah. Sa unahan ka humarap nasa loob tayo ng class." Ngumuso ako at lalo siyang tinitigan.

"Paano kung nasa tabi ko ang gusto kong tingnan?" Lalong nangunot ang noo niya. Nagsisimula nang mapikon.

"Tigilan mo nga! Sa unahan ka tumingin at makinig." Napahawak ako sa braso ko ng hampasin niya. Sadista talaga.

"Oo na." Nakangusong sabi ko at sumunod.

What are you doing to me woman.

I feel like I'm obliged to follow her order. Kahit gusto ko siyang tingnan ay nag-focus ako sa lecturer sa unahan. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Kinapa ko sa ilalim ng table ang kamay niya at hinawakan iyon.

Naramdaman ko nang matigilan siya sa ginawa ko samantala ako ay tuwang tuwa. Gustong gusto ko ang hinahawakan ang kamay niya kahit hindi ko madalas gawin iyon dahil natatakot ako. Kahit ang yakapin siya ay natatakot ako baka hindi niya magustuhan at isiping nagmamadali ako.

Hindi niya ginantihan ang hawak ko pero hindi rin niya inalis. Naramdaman ko ang hindi pamilyar na tibok ng puso ko para iyong nagkakarera. Matunog akong napangiti.

"Aray." Mahinang daing ko nang kurutin niya ang kamay ko gamit ang kuko at binato iyon. "Ang sakit." Nagpa-awa pa ako.

"Puro ka kalokohan." Mahinang singhal niya.

"Inaano kita?"

"Tsansing ka eh."

"Hindi kaya." Ang sarap talaga nitong asarin. Pikon masyado tapos namumula pa ang pisngi kapag napipikon.

Natapos ang subject na iyon na puro kami asaran. Ako lang pala ang nang-aasar.

"Tigil-tigilan mo ko Xian ah."

"Ano ba yan, aga-aga LQ." Sabat ni Kairo.

"LQ your ass." Singhal ko dito.

"Sus! Talaga naman dre."

"One month lang iyan mababagok na ulo ni Keize." Nagtawanan pa ang dalawa. Siniringan ko lang sila.

As if I will let you drifting away from me.

Tumayo sila Haniah. "Where are you going?" Tanong ko nang bigla siyang tumayo.

"CR lang." Lima pa talaga sila.

"Spencer tayo mamaya?" Yakag ni Kairo.

"Oo nga Xian. Balita ko andoon sila Oli mamaya." Mabilis akong umiling.

Role Play UniversityWhere stories live. Discover now