Chapter 3
Bumili agad ng the bar si Jake at Gerome. Tapos bumalik sila na may dala nang shot glass at isang pitsel ng orange juice.
Umikot kami at kumuha ng bote na pinaikot namin sa gitna. Nung una hindi pa agad umiikot yung boteng napili nila dahil sa buhangin kaya naghanap pa sila ng ibang bottle. Nang makahanap, nagsimula agad kami sa laro.
Pinaikot ni Gerome ang bote. Lahat kami nakatingin sa bote. At siguro, pare pareho din kami ng dasal.
Wag ako, wag ako.
Mahina na ang ikot ng bote, lahat kami nakatitig at tadaaaa...tumigil ang bote at nakapoint kay Travis.
“Ooooohh.” Sabay sabay pa kaming napa react.
“Shit.” Mura ni Travis. “Buena mano.”
“Truth, dare o drink?” Tanong ni JAM
Saglit na nag isip si Travis. Samantalang ang mga boys ay nanunukso.
“Dare! Dare! Dare!” sigaw nila
“Truth!” sigaw ni Travis.
“Truth. Sure?” Tanong ni JAM na may evil smile na namn sa mukha.
“Sure.” Sagot nya habang nakangiti. “Madali lang ha.” Sabi pa nya.
Nag isip si JAM ng pwedeng itanong.
“Eto. Question. The first time na ma meet mo kami lahat, kanino ka unang na attract? Yung unang tingin ha.” Tanong ni JAM.
“Oooowww.” Sigawan nila.
Napangiti si Travis and he made a face. Pero ang cute nya pa rin.
“Ang hirap.” Sabi nya tapos nag isip.
“Pano kung madami?” tanong nya.
“Hindi. Hindi pwede. Isa lang.” Sagot naman ni Kylie.
“Aaah...” he looked at us one by one. Hahaha. Nakakatawa. Tapos pinagtutulakan pa sya ng mga lalaki.
“Si Divz” he said
“Wooooooohhh!” lalong lumakas ang sigawan.
“Walang talo talo!” Sigaw ni Gerome sabay tawa.
Nagtuksuhan pa sila bago pinaikot ulit ni Travis ang bottle.
Wag ako please.
Tumigil naman ang bote kay JAM.
“Oh men!” she said.
“Ayuuuun!” sigaw nila
Travis has his evil face on, it was like saying, humanda ka sakin ngayon! Bwahahahaha!
“Truth, dare or drink?” tanong ni Travis
“Daaaaaare!” sigaw ulit ng mga kolokoys.
Napatawa si JAM.
“Mga adik talaga kayo. Osige, Dare!” JAM said courageously.
“Yooooown!”
Nag isip si Travis ng pwedeng ipagawa kay Jam. Enjoy na enjoy ang mga loko at nagbubulungan pa. Brainstorming daw. Hanggang sa makaisip sila ng dare.
“Puntahan mo yung waiter dun na kumukuha ng number nyo tapos i-sexy slow dance mo.” Sabi ni Travis.
Nagtawanan kami sa dare para kay JAM. Challenging. Walang nagawa si JAM kundi sumunod sa kanila.