A CRAZY TWIST OF LOVE_CHAPTER 4: THE HEART'S DESIRE

41 0 0
                                    

CHAPTER 4: THE HEART’S DESIRE

 

 

"Welcome to Rever Cafe. The place for your dream."

Tila nawalan ng dila si Xzerinah habang inililibot ang tingin sa buong cafeteria. Amaze na amaze siya sa Spanish inspired style ng cafe. Old but grand. Iyon ang kumento ng dalaga sa kabuuan ng cafe. Karamihan sa mga furnitures doon ay wood made. Nagkikinangan naman ang mga silverwares at crystal glasses na ginagamit doon. May bar sa right corner. Kasalukuyan silang naka-upo sa sofa na malapit sa bar.Katabi niya ang nanghihinang si Raiden na naka-upo naman sa katapat na sofa si Lyle. Mas pinili niyang tumabi kay Raiden dahil baka kung anung kalokohan ang gawin ng binata kapag nagkataon.

 

Nang matapos niyang libutin ng tingin ang buong cafe ay napadako naman ang tingin niya sa babaeng pumasok. Dumiretso ito sa bar at umupo sa may sulok. Tantiya niya ay nasa early 20's ang edad nito. Color red ang suot na dress na body hugging dito. Pretty and sexy. My hispanic features din ito at parang labanos ang kaputian lalo na ang binti.

 

Napasipol si Lyle habang nakatingin sa babae. "That's what you called 'sexy'."

 

Napasimangot si Xzerinah. Alam niya na siya ang pinariringgan ni Lyle. Hindi nalang niya ito pinansin. Tiningnan niya ang katabing si Raiden. Kaya pala walang aburidong nanenermon sa kanila ay dahil tulog na ito nang mga oras na iyon. Nakasandal ito sa wall. Kaya’t nakaharap sa kaniyang direksiyon ang binata.Ginawa nitong unan ang bag nito.

 

Tulog na pala itong si Sungit. Malaya na naman niyang napagmasdan ang mukha ng binata. Napansin niya na ayos na ang paghinga nito at payapa nang natutulog. Kahit hindi niya kaanu-ano ang binata ay nag-alala talaga siya ng todo kanina.

 

"Ehem! Huwag masyadong titigan. Baka matunaw."

 

Agad niyang inalis ang tingin sa binata nang marinig ang panunudyo ng kaibigan nito. "Hoy! Hindi ko siya tinititigan! Tinitingnan ko lang kung ayos na siya." Tanggi ng dalaga.

 

"Oh really.?!"

 

Tinaasan lang siya nang kilay ni Lyle habang nakatingin sa kaniya. Nailang naman siya dito. "Oh bakit ganiyan ka makatingin? Hindi ka naniniwala? Eh di 'wag." Inirapan niya ito.

 

Tumayo siya at iniwan ang nakangising binata. Dumiretso siya sa bar kung saan nandoon ang lalaking tumulong sa kanila. Umupo siya sa isang high chair doon. Kasalukuyang nagpupunas ng mga kopita ang lalaki.

 

"Ah...manong-"

 

"Aw!" Napangiwi ang lalaki. "Am I that old to call me manong?"  Nginitian ang dalaga. "Please, call me Luk."

 

"Ay...s-sorry, Mr. Luk. Gusto ko lang mag-pasalamat sa pagtulong mo sa amin."

 

"Nah..it's nothing. Nagkataon lang na nandoon ako at ako lang ang makakapag-offer ng tulong sa inyo."

 

"We are thankful that you're there." Ngumiti ang dalaga sabay tingin sa direksyon ng natutulog na binata. "Kung hindi dahil sa iyo baka kung anong nangyari na kay Raiden."

A CRAZY TWIST OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon