Zeke's POV
"NAGLABAS nang memo ang MGT. Ilang buwan na nating hawak ang phase 1. Sinabi nila na dapat na tayong sumalang sa sphere battle for V10." Paunang anunsiyo ni Xian.
Magkakaharap ang mga officers dito sa conference.
"Paano iyon? Ang ilan dito sa atin ay hindi pa nakikita ang war nang V10." Si Vito.
"Hindi madali ang war ng V10, there's a possibility na we'll use weapon for the war."
"We need a solution regarding this thing."
"Pwede kaya tayong mag-request na makapanood ng sphere battle?" Isabella asked. Napatitig ako sa seryosong mukha niya. Tinabihan ko siya dito kanina pero lumipat siya sa tabi ni Keize.
May problema kaya siya? Kami?
"We'll see about that." Sagot ko. Bumaling siya sa akin pero agad ding inalis ang mata sa akin. Bigla ay nangamba ako.
May nagawa ba akong mali?
"Nasa phase 3 ang Euphoria Bloodline samantala phase 2 ang Twin Sword Gang at tayo ang phase 1. Pwede nating gamitin ang pangunguna sa phase for our advantage, we can submit a request na unang lalaban sa sphere battle ang mas mababa sa ating gang." Sabat ni Czarina.
"Possible since tatlong nangungunang phase lang ang pwedeng lumaban for V10." Dagdag ni Aaron.
"Kaaakyat pa lang nang Twin Sword Gang sa phase pwedeng sila ang gamitin natin. Kailangan makita natin kung paano lumaban ang mga gang sa V10. For us to have an idea and had time to prepare." Si Haniah.
"In two months fifth anniversary nang arena. For sure may mga task, games, at war iyon." Dagdag ni Kairo.
Natapos ang meeting nang hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may mali sa amin ni Bella. Hindi siya lumalapit sa akin, kapag nagsasalubong ang mata namin ay mabilis siyang umiiwas.
Magkakasama ang ilan sa member nang gang. Ang iba ay wala pa. Walang war mamaya pero gusto ni Xian manood ng war dahil lalaban ang RKW. 'Till now pinaghihinalaan naming mole nang RKW si Kestrelle.
Nang makita kong pumasok nang kusina si Bella ay sumunod ako.
"Bella." Tawag ko. Nakita kong umangat ang balikat niya dahil sa presensiya ko.
"Hmm?" Maikling tugon niya.
"Galit ka ba sa'kin?" Pandederetso ko. Nakita ko siyang matigilan.
"Ha?"
"Galit ka ba sa'kin?" Pag-ulit ko.
"Hindi ah." Hindi pa din siya makatingin nang maayos sa'kin.
Ganyan ba ang hindi galit?
"Iniiwasan lang ganoon?"
"Hindi rin."
"Eh, bakit kanina mo pa ako hindi pinapansin?" Seryosong tanong ko.
"May meeting tayo alangan naman magchikahan tayo." Pilit ang ngiting paliwanag niya.
"Hindi ka sa'kin tumabi."
"Hindi naman kailangan magkatabi tayo eh." Nagulat ako ng sinabi niya iyon na deretsong nakatingin sa mata ko.