CHAPTER TWENTY TWO

345 18 3
                                    

BLAIRE SAMANTHA'S POV

Sobrang busy ko sa pag-aasikaso at pakikipag-usap sa mga taong pumunta ngayon sa opening ng 'BLAIRE SWEET HEAVEN RESTAURANT'. Open for public kasi tong opening ko kaya kahit sino pwedeng pumunta. Nandito rin sina ate ariann at kuya marc kasama na rin ang mga bata. Saka yung ibang mga bisita naman ay yung mga kilalang pamilya rin rito. Sa sobrang busy ay hindi ko na nga rin gaanong makausap sina ate ariann. Pero alam ko namang naiintindihan rin nila dahil sa dami rin ng inasikaso ko.

"Ang sarap ng pagkain niyo dito hija."puri ng isang ginang. Nakita kong lumapit na rin yung iba samin.

"Oo nga grabe, matagal ko ng inabangan tong restaurant mo e. Siguradong babalik balikan ko to."

"Naku salamat po. I'm glad you like it."nakangiting sagot ko.

"Btw hindi ba bibisita ang parents mo dito hija?" tanong ni aling corazon. Isa siya sa mga kapitbahay nina mommy noon.

"They will po. But for now po kasi ay sobrang busy pa po nila kaya hindi pa muna sila makakauwi dito."

"Mabuti naman. Para naman hindi puro trabaho na lamang ang inaatupag nila. Dapat rin ay mag enjoy rin sila paminsan minsan. Naku hindi pa naman tayo bumabata."

"Kaya nga hindi na nasundan itong si sam e. Kung hindi siguro sila masiyadong tutok sa trabaho ay baka may kapatid itong si samantha."segunda rin ni aling mercides.

"Oo nga naman, pero ayos lang rin. Nasa tamang edad na rin naman si samantha para mag-asawa e. Kaya bigyan mo na lamang ng apo yang magulang mo hija para naman hindi sila masiyadong babad sa trabaho." hilaw na lamang akong napangiti ng sang-ayunan rin yun ng iba.

"May nobyo ka na ba hija?" tanong sakin ni aling koreng.

"Naku wala po. Saka wala pa po akong oras para diyan."

"Naku hija dapat umpisahan mo na ngayon ang paghahanap ng magiging asawa hanggat bata ka pa. Wag mong hahayaang lumagpas ka pa sa calendar bago ka maghanap ng mapapangasawa.. Naku!"

"Ah haha darating rin naman po yung tamang panahon para diyan. Ayaw ko lang pong madaliin." sagot ko.

"Mabuti naman. Kasi yung apo nga rin ni carol e, labing walong taon pa nga lang yun pero may sariling pamilya na. Naku yung ibang kabataan ngayon ang bibilis nabubuntis."

"Oo nga, hindi rin kasi nila alam kung gaano kahirap ang buhay lalong lalo na kung walang-wala ka talaga. Kaya ikaw hija, may kaya naman kayo saka nasa tamang edad ka na rin naman para mag-asawa. Wag mo naman akong kalimutang imbitahin ha kapag nagpakasal ka na. HAHA biro lang hija.." napatawa naman ako dahil sa huling sinabi ni aling corazon.

"HAHA Sige po."

Matagal-tagal rin bago kami natapos sa pag-uusap. Mabuti na nga lamang at hinayaan nila akong makaalis doon kaya agad akong nagtungo kina ate ariann.

"Congrats sam. I'm so proud of you!" bungad ni ate ariann na agad akong niyakap. Niyakap ko rin naman siya pabalik.

"Thank you ate."

Bumitiw ako mula sa pagkakayakap kay ate ariann saka napatingin kay baby argus ng ibuka niya ang maliliit nitong kamay at pilit na inaabot ako.

"Oh ninang sam gusto ata'ng magpabuhat ni baby argus." saad ni kuya marc ng mapansin rin si baby argus. Mahinang napatawa ako bago dahan dahang kinuha si baby argus mula kay kuya marc saka binuhat. Nakita ko ang mahina nitong paghagikhik.

Ang cute talaga!

"Naku sam baka busy ka?"

"Ayos lang po ate ariann. Nandiyan naman po sina merideth."

WAY BACK INTO LOVEWhere stories live. Discover now