IVAN
My kuya asked me to come home the Christmas of that same year. Sabi niya sa akin ay may kailangan daw akong makilala.
Hindi naman na bago sa akin ang pabalik-balik sa Pilipinas. I was tasked to manage the So enterprise at wala nang umapila pa sa board noong nakita nila ang track record ko. My kuya kept going to all the needed meetings and I still made most of the decisions for the company.
Kuya Gabriel asked me to go to our mansion in Batangas. May kailangan daw akong makilala. I was so preoccupied with work after my wedding. It helped me get everything off my head.
"Kamusta ang flight mo?" tanong ni kuya. Sinalubong niya ako sa pinto. Niyakap niya akong nang mahigpit. "Buti hindi nagalit ang misis mo, Ivan?"
"Medyo bugnutin nga siya nitong mga nakaraan dahil sa baby." Sinusubukan kong luwagan ang necktie ko nang may maramdaman akong yumakap sa akin.
May batang yumakap sa kaliwang hita ko.
I tried reaching for the kid's head. The roughness of his hair is familiar. Marahan niyang inangat ang ulo niya.
"Kite?"
"Hello, Kuya Ivan."
"Anong ginagawa mo rito?" Mabilis akong lumuhod. Hinawakan ko siya sa balikat. "Nasaan ang Kuya Yuki mo?" For the first time in months, I mentioned his name.
"Iniwan niya po ako rito kahapon. Sabi niya may pupuntahan daw siyang malayo."
Napatingin ako kay Kuya Gabriel.
"Tinawagan ako ng isa sa mga kasambahay natin. Nakita na lang daw nila itong bata na kumakatok sa labas. May napansin daw silang sasakyan na agad na naglaho noong papasukin nila si Kite sa loob ng bahay."
Ramdam ko ang biglang pagsikip ng dibdib ko. Suddenly, my lungs had a hard time expanding. I could feel my nose starting to clog from the tears that I was trying to hold back.
"I need to find Yuki, now."
"Where will you look first?"
"I will contact Mr. Alarcon, Kuya. Yuki must have been with him."
"He was never with Treble Alarcon." I saw Kuya Gabriel bit his lips after saying that. Iniwasan niya ako ng tingin. "I just found that one out today after calling Mr. Alarcon."
"P-pero. S-sabi niya, sasama siya kay Treb—"
Inabot sa akin ni Kite ang sketchpad na noo'y pinadala ko sa kanila.
"Sa 'yo raw po ito, Kuya Ivan. Binabalik na ni Kuya Yuki."
I tried opening it. I could taste the salty water flowing out of my eyes as I saw how Yuki tried to color every sketch that I made. My tears started mixing with the crayons and oil pastels that he used.
"Kite, alam mo ba kung saan pupunta ang Kuya Yuki mo?" nanginginig kong tanong.
"Hindi po, e. Sabi niya lang, hindi pa raw ako puwede roon sa pupuntahan niya."
Napasabunot ako ng buhok ko. I know exactly what that means. Sinubukan kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. Sinubukan kong saluhin ang mga luha ko gamit ang aking mga palad. Pinipigilan kong humagulgol habang nasa harap ni Kite.
I was slowly turning all the pages. Tuluyan na akong nanlumo nang marating ko ang dulo ng sketchpad.
On the last page was a letter from Yukihero Azukawa.
BINABASA MO ANG
Falling for the Masterpiece
Romance"Natutunan ko sa 'yong hindi ko kailangan ng ibang tao na bubuo sa pagkatao ko, kundi kailangan ko ng taong tatanggap sa akin nang buong-buo." -Yukihero Asukawa Content Warning: This book contains potentially triggering subject matter, including dis...