Aeris Madyzon Carysv
"Miss isang shot nalang" sabi ng katabi kong lalaki at inaabot sa'kin ang isang shot.
"Ayaw ko na nga."Saad ko at tinabig ang kamay niya.
Nasan na ba sina Juzt?
Medyo nahihilo narin ako sa dami nang nainom ko.
Bigla akong napakislot nang may maramdaman akong kamay sa legs ko.
What the ef?!!
"Ano ba?!" Tinabig ko ang kamay nung katabi kong lalaki.
Maglalakad na sana ako palayo nang hawakan niya ang braso ko para hindi paalisin.
Nahihilo na talaga ako, baka anytime matumba nalang ako dito.
"Bitawan mo ako!" Walang pakealam ang mga tao dito sa bar dahil puro mga lasing na rin sila.
Sinampal ko ang lalake dahil ang bastos niya.
Isusumbong ko siya kay Dad.
"Sabing mag enjoy muna tayo!!" Akmang sasampalin niya ako kaya pumikit na lang ako dahil nahihilo na ako.
Hinihintay ko ang ng kamay niya sa mukha ko.
"What do you think you're doing asshole." Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Alexys.
Nakita kong nag-iigting ang panga niya habang mahigpit ang hawak sa braso ng lalaki.
"ANO BANG PAKEALAM M-" Hindi na pinatapos ni Alexys ang sasabihin nito dahil sinuntok niya na agad ang lalake.
Deserve mo 'yan manyak ka kasi.
Natumba ang lalaki at hindi na makatayo, nakatulog na ata.
Hinawakan ni Alexys ang braso ko at hinila ako palabas.
"Ano ba! Dahan-dahan namans." Reklamo ko pero parang wala siyang napakinig dahil patuloy lang siya sa pag lalakad papunta sa isang hotel malapit dito sa bar.
"Sabing dahan-dahan lang eh nasasaktan ako!" Bigla naman siyang tumigil at maya maya ay binuhat na lang ako na parang isang sakong bigas.
What the?! Ganito ba talaga siya kalakas?!
"Ibaba mo nga ako!"
"Can you just shut the fuck up?!" Reklamo niya.
Nang nasa tapat na kami ng reservation area pinakita niya lang ang ID niya sa reservationist, tas pumasok na kami sa elevator.
Hilong hilo na talaga ako, 'di ko na kaya.
Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto.
Nasaan ako?!
Nakipag one night stand ba ako?
Without me knowing?!
Nawala na ang virginity ko?!
Wait wala namang tao dito, tsaka hindi naman ako hubad, may damit pa nga ako eh.
Ang problema hindi ito yung suot ko kagabi.
"Fuck, I am fucked up." Hindi ko rin makita ang phone ko.
Fudge oo nga pala, nakay Alexys yung phone ko hindi ko pa nakukuha.
Habang nakatingin ako sa salamin dito sa kwarto ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si...
ALEXYS?!
"You're finally awake. Breakfast is ready, come." Aya niya saakin.
"Teka, ikaw ba sumundo sakin sa bar?" Tanong ko.