POB6

62 6 0
                                    

"Ano?" sinisilip ni Therese ang mukha ko habang kagat-labi itong nakangisi sa akin ngayon.

I frowned at her. "What?"

At sure akong tungkol na naman 'to kay Cj. Sa ngising 'yan at kakatanong ko lang sa kaniya kagabi sa IG ni Cj kaya alam ko na agad kung anong gustong malaman nito ngayon.

"Nilandi mo nga?" ngising tanong nito sa akin.

O, diba?

Umirap ako at umiling habang pinagpatuloy ko ang pagsusulat sa iPad.

"Wala, Therese. Gusto ko lang malaman ang IG niya, 'yon lang."

Tumawa ito at sinundot ang tagiliran ko.

"Huwag mo' kong lokohin, teh. Kilala kita. Nag-usap kayo?"

I sighed. "Yeah, he message first. Huli ka na sa pagsend ng IG niya, nagulat ako nag follow kagabi. Did you gave him my IG?" I narrowed my eyes at her.

Namilog ang mga mata nito at natawa.

"Talaga?! Hindi, noh. Hindi naman siya nagtanong, e. Kung nagtanong 'yon, edi ibibigay ko naman. Nilalandi ka na talaga ng lalaking 'yan, Meo." humalakhak ito.

"Kaya ikaw, huwag mo 'yang sayangin. Wala na akong marereto sa' yo na kagaya ni Cj kaya itodo mo na 'yan. Mapili ka pa naman." dugtong niya na nagpapainit ng pagmumukha ko.

Well, mapili talaga. I have my own standard.

I guess I'm already flirting coz I intertain him back. Well, he's not bad. Sa lahat ng pinakilala sa akin ni Therese, sa unang bungad ko, kung hindi ko type sa isang tingin palang, mawawalan ako ng gana, boring sa paningin ko kaya hindi ko ini-intertain.

Pero itong Cj na'to. Nabubuhay ang dugo ko at kumukulo dahil naiinis talaga ako sa unang kita ko palang sa kaniya. His humor is driving me nuts.

Hindi ko sinabi kay Therese na makakasama ko na naman ang lalaking 'yon dahil babayaran ko pa iyong utang ko na dapat ay libre ko sa kaniya pero binayaran ng barumbado kaya ililibre ko na naman siya ngayon.

Kagabi, sinabi niyang maghihintay siya sa akin. Alam niya na ang schedule ko at mauuna siya kaysa sa akin pero hindi ko alam kung saan siya maghihintay kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at in-open ang instragam.

Hindi ko na natanong kung saan dahil sumang-ayon lang ako sa sinabi niya na maghihintay siya.

"Kukunin ako ni Dale, Mhie. Ikaw sa' n ka? Uuwi ka na? O.. Gusto mong sumama sa'min?" tanong nito nang palabas na kami patungo kung saan naghihintay si Dale.

Ngumiwi ako sa kaniya. Gagawin pa akong third wheel.

Titipa na sana ako ng mensahe nang biglang suminghap si Therese kaya napaangat ako ng tingin.

My gaze fixed on the guy who's on the bench sitting loosely. Nakahalukipkip at nasa harapan naman nito si Dale na nakapamulsang nakatayo.

The two guys were busy talking something.

Malaki ang ngisi ni Therese nang lingunin ko. Her eyes narrowed at me.

"Ikaw ba sinundo niyan? Sa pagkakaalala ko, magd-date kami ni Dale ngayon alangan namang sasama yan?"

Naibaba ko ang phone at ibinulsa.

"Bakit may iba pa bang susunduin 'yan ngayon na 'di ko alam?" I raised my brow at her jokingly.

Natawa si Therese at pabiro akong tinampal sa braso.

"Ang landiii, mhiee! Sayong-sayo na, Meo. Sayong-sayo na." hagalpak nito na siyang dahilan nang paglingon ng dalawa na nag-uusap.

Presence of Bliss Where stories live. Discover now